Advertisers
DIREKTANG sinabi ni National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon sa isang pagbisita sa Palawan kasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mga miyembro ng gabinete at si Senator and presidential aspirant Bong Go, na markado na ng militar at ng taongbayan ang mga senador na kontra sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na masidhing ipinatutupad ng pamahalaan lalo na sa kanayunan.
Sinabi ni Esperon na ang ginawang pagtapyas sa pondo ng NTF-ELCAC ay hindi lamang nakakagulat para sa hanay ng militar at ng iba pang law enforcement units ng gobyerno na nasa lockdown ng kanilang pakikihamok sa mga komunistang rebelde ng may ilang taon na, kundi isang mariing insulto at sampal sa adhikaing ganap na supilin ang CPP-NPA at mga front organizations nito sa buong bansa.
Ang pagtapyas na ito na pinangunahan ng Finance Committee ng Senado na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara, ay isang dagok na masasabi sa kampanya ng pamahalaan laban sa teroristang grupong CPP-NPA.
“Kaya alam na ng mga miyembro ng military, mga pamilya nito at ng ating mga kababayang Pilipino kung ano ang nararapat sa mga senador na gaya ni Angara, ang dapat gawin ngayong nalalapit na Eleksyon2022.
Panigurong pupunta ang mga senador na ito sa inyong mga lugar para manghingi ng boto.
Alam n’yo na po ang isasagot n’yo sa mga walang kuwentang ito”, pagdiriin pa ni Esperon.
“Maraming buhay ang isinakripisyo ng ating kasundaluhan at maging ng pulisya sa ating pakikihamok sa mga teroristang ito ngunit sa halip na purihin, suportahan at kilalanin ng ating mga mambabatas na senador ay nagawa pang tapyasan ang pondo ng NTF-ELCAC na lumumpo sa epektibong pagkilos nito lalo na sa mga liblib na baryo ng bansa.
Pinasasalamatan ko sina Senador Bong Go at Bato dela Rosa sa kanilang matatag na paninindigan sa ginawa ng dalawang magiting na senador upang ipagtanggol ang budget ng NTC-ELCAC laban sa kanilang mga irresponsableng kapwa mambabatas”, dagdag pa ni Esperon.
Samantala, kapwa umapela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibalik ang tinapyas na P28.1 bilyong pondo ng Barangay Development Program (BDP) para sa New People’s Army (NPA)-cleared barangays na ipinanukala ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 budget.
“The Support to the Barangay Development Program (SBDP) is a game-changer in our battle to end communist terrorism in the country. Unti-unti nang nararamdaman ng mga naninirahan sa mga barangay na sakop ng SBDP ngayong taon ang tunay na kahulugan ng pagbabago at pagkalinga ng gobyerno na hindi nila naramdaman sa nakaraan dahil sa mga Komunistang Terorista ,” ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año.
Aniya, mayroon ng momentum sa paglaban sa communist terrorism at ang pagtapyas sa P28.1 bilyon ay makapagbibigay lamang ng “wrong signal” sa Local Government Units na umaasa sa mga nasabing development projects sa susunod na taon.
“We must remember that the battle against the CTGs (communist terrorist groups) is not just a battle of arms, it’s also a battle for the hearts and minds of our people,” ayon sa Kalihim.
Ito rin ang sinabi ng LLP sa kanilang 8th General Assembly passed Resolution No. 2021-009, sumusuporta sa anti-insurgency program ni President Rodrigo Roa Duterte at hinikayat ang Senado na aprubahan ng buo ang panukalang Support to the Barangay Development Program sa 2022 General Appropriations Bill.
“The full and continued implementation of the BDP needs to be pursued in order to bring about and sustain progress and development in these identified conflict-affected barangays that urgently need government support and assistance,” ayon naman kay LPP President and Marinduque Governor Presbiterio Velasco Jr.
Hindi na tayo magtataka kung ang mga senador na ito na nasa likod nang pagtapyas sa pondo ng NTF-ELCAC ay pawang ibasura ng ating mga electorates lalo sa mga lugar na lubhang apektado ng kaguluhang inihahasik ng mga teroristang grupong ito.
Kaisa n’yo ang inyong abang lingkod sa sentimiyentong nararamdaman n’yo.
Hinihimok ko rin po kayong ipadama sa mga taksil na senador na ito ang namumuong galit sa inyong mga puso.
‘Wag n’yo po silang iboto kahit ano man pong pambobola at pakiusap ang gawin ng mga TRAPOs na ito sa pagbisita sa inyong mga lugar.
Mabibilang naman po ninyo mga kababayan ang dalas ng papunta ng mga ito d’yan sa inyong mga lugar.
Madalang pa sa patak ng ulan sa isang sinumpang tag-araw!
Ito na po ang ating pagkakataong isampal sa pagmumukha nitong mga senador na ito ang kanilang pagiging inutil at kawalang malasakit sa ating mga mahihirap na kababayan.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting