Advertisers

Advertisers

Hirit na reporma sa Ombudsman, iginiit

0 299

Advertisers

IGINIIT ni dating Congresswoman Mari Mitzi “Mitch” Cajayon-Uy na kailangan ang mga kagyat na reporma sa Ombudsman upang mapalakas at maipatupad ang mga mandato ng Office of the Ombudsman bilang tagapagtannggol ng estado at tagapagtanggol ng publiko kasunod ng pagpapawalang-sala sa kanyang ng Sandiganbayan sa mga kasong graft at malversation nitong Nobyembro 12, 2021.

“Kung ako ay mahalal muli sa Kongreso, ang mga reporma at iba pang mga hakbang ay dapat na maisabatas upang matiyak na ang mga reklamong inihain sa OMB ay sasailalim sa mas mahigpit na pagsusuri bago magsampa ng mga kaso sa mga Korte upang hindi masayang ang pondo ng gobyerno”, ani Cajayon -Uy.

Kaugnay nito sinabi niya na ang mga partikular na reporma na kanyang isusulong ay ukol sa ilang mga proseso ng nasabing institusyon, partikular na nag pagsisigurong lahat ng reklamong ihinahain sa Ombudsman ay dapat na may kalakip na matibay na ebidensya gaya ng proseso paghahain ng reklamo sa ibang Korte, upang matiyak na may sapat na batayan ang mga kaso at hindi lamang ito basta black propaganda.



Ayon kay Cajayon-Uy, kailangan ang mga repormang ito para talagang maisakatuparan ng Ombudsman ang mandato nito at magamit ng wasto ang kanilang pondo. Sa datos ng legal team ni Cajayon, mula sa P4.82 bilyon na badyet ng Office of the Ombudsman para sa 2019, P643.2 milyon (51%) ang ginastos sa Anti-Corruption Investigation Program nito, na nagresulta sa 17.88% lamang ng mga nasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo. Bukod pa rito, P469.3 milyon, o 37.3% ng 2019 OMB budget, ang ginastos sa Anti-Corruption Enforcement Program nito, na nag-ambag sa 25% lamang ng mga kasong kriminal at sibil na iniuusig at nagresulta sa paghatol ng mga Korte.

Bukod pa rito, ipinahayag niya na ang mga opisyal ng gobyerno, tulad niya, na maling kinasuhan ay nahaharap sa torture at obligadong gumastos para depensahan ang sarili. Bukod pa rito, ang kanilang mga pamilya ay dumaranas ng kahihiyan at nabahiran ang kanilang reputasyon dahil sa gawa-gawang kaso na hindi nawawasto at walang nakukuhang danyos perwisyo kapag napapawalang-sala.

Sinabi ni Cajayon-Uy na sa sandaling mahalal siyang muli ng mga tao sa Kongreso sa 2022, isusulong niya ang pagrepaso sa Ombudsman Act of 1989 at itulak ang pagsasaalang-alang sa pagpapataw ng mga multa, danyos perwisyo, at pagbabayad ng mga legal na gastos ng isang akusado na humaharap sa paglilitis.(Boy Celario)