Advertisers

Advertisers

Nuezca ‘inatake sa puso’ – BuCor

0 215

Advertisers

IGINIIT ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesman Gabriel Chaclag na posibleng atake sa puso ang ikinamatay ni dismissed Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

Si Nuezca ang bumaril-patay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 2020.

Sa inisyal na ulat, sinabi ni Chaclag na ‘cardiac infraction’ ang ikinamatay ni Nuezca.



“Initial findings ng ating medical personnel ay may cardiac infraction ito, ibig sabihin ay baka heart attack.”

Ilalabas ngayong linggo ang awtopsiya ni Nuezca.

“Hopefully this week kasi gusto naming magkaroon ng resolusyon na itong kasong ito kasi may mga nagsasabing baka hindi raw namatay, ‘yung iba naman sabi pinatay.”

“So to rule out foul play and to rule out rumors ay gusto namin mabilis na matapos ‘yung final investigation report nito at mailabas natin sa public kasi alam namin public interest ito,” dagdag ng tagapagsalita ng BuCor.

Walang nakitang mga sugat at pasa sa katawan ni Nuezca.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">