Advertisers
MULING matutunghayan sa ibabaw ng luna ang dating World Boxing Organization (WBO) Oriental super bantamweight champion Alie Laurel sa Mexico ngayon Linggo.
Ang 29-year-old Laurel ay makakasagupa ang Mexican prospect Sergio Chirino Sanchez sa Dec. 5, 2021 sa Palenque de Leon sa Guanajuato.
Si Laurel ay galing sa unanimous decision loss laban sa dating amateur standout Yevegeniy Pavlov noong Dec. 16, 2020 sa Kazakhstan.
Ito ang pang-anim na laban ni Laurel sa labas ng Pilipinas. Lumaban siya sa Kazakhstan, Thailand, Japan at China.
Nakalaban niya ang dating world title challenger Aston Palicte, Ernesto Saulong, at Joe Noynay.
Samantala ang 27-year-old Sanches na hinubog ng kanyang handler. ay naipanalo ang sunod-sunod na pitong laban, knockout ang anim sa pitong nakalaban. Laurel na ranked No.12 ng WBO, ay 18-5-1 may 11 knockouts,habang si Sanches ay 16-1 10 KO