Advertisers

Advertisers

Arwind Santos pamumunuan ang Batang Pier kontra Aces sa Govs’ Cup opener

0 275

Advertisers

PAMUMUNUAN ni Arwind Santos ang North Batang Pier sa pagbukas ng season-ending PBA Governors Cup sa Dec. 8 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakaharap ni Santos at Batang Pier ang Alaska Aces sa first game ng double-header 3 p.m base sa initial schdule ng liga na inilabas Biyernes, Dec.3.

Ipaparada ng NorthPort si Santos, na nagwakas ang 12 taon na pananateli sa San Miguel Beer ilang Linggo ng e-trade kapalit ni Vic Manuel.



Atat, na si Santos na makaharap ang dating team na ang NorthPort at SMB ay nakatakdang magtagpo sa Dec.12.

Magtutuos ang SMB at NLEX 6 p.m kasunod ng NorthPort-Alaska duel para tapusin ang opening day na maglalaro na walang fans.



Ipaparada ng Terrafirma ang bagong recruit Alex Cabagnot, na kinuha kapalit ni Enciso, sa Dec.9 laban sa Phoenix Super LPG 3 p.m kasunod ang Blackwater kontra Rain or Shine 6 p.m.

Balik sa aksyon ang NorthPort sa Dec.10 vs NLEX sa 3 p.m, habang ang San Miguel at Alaska magtatagpo 6 p.m.



Laro sa December 11, Phoenix vs Blackwater 4 p.m at Rain or Shine vs Terrafirma 6;45 p.m.

Ang laban ng NorthPort at SMB ay sa December 12 simula 4 p.m bago ang Barangay Ginebra San Miguel kontra Alaska 6;45 p.m.

Philippine Cup champion TNT, Magnolia Pambansang Manok at Meralco ay walang laro sa opening week.