Advertisers

Advertisers

Firecracker ban istriktong ipapatupad ng PNP

0 186

Advertisers

MAHIGPIT na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang Executive Order (EO) 28 alinsunod sa “Regulation and Control of the Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices”.

Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, naglabas na siya ng Operational Guidelines para sa firecracker ban upang matiyak na ligtas at mapayapang ipagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Nagbigay na rin ng direktiba ang PNP chief sa mga lokal na himpilan ng pulisya na makipag-coordinate sa kani-kanilang mga Local Government Units (LGU) para sa pagtukoy at pag-monitor ng mga “designated firecracker zones”.



Ayon kay Carlos, kasama na mag-iinspeksyon sa mga lugar na ito ang Bureau of Fire Protection at local DRRMC.

Pinaalalahanan naman ni Carlos ang mga gumagawa at nagbebenta ng paputok na mananagot sila kung sangkot sila sa distribution ng ilegal na paputok. (Josephine Patricio)