Advertisers

Advertisers

Angelica nanindigan, ayaw na gumawa ng serye

0 221

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

HINDI pa magkarelasyon sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano ay Tita Cherry Pie na kung tawagin ito ni Luis Manzano.

Likas daw kasing mabait at  marunong makisama si Cherry Pie sa mga kabataang artista at maging sa mga baguhan.



Hindi makalimutan ni Luis ang gesture ni Cherry Pie nang patawarin nito ang taong pumatay sa kanyang ina at hinayaan na lang ang batas ang magparusa sa nagawang kasalanan nito.

Aminado si Luis na talagang nagulat sila ng asawang si Jessy Mendiola nang malaman nila ang tungkol sa relasyon ng ama niyang si Edu at Cherry Pie.



“We were  caught  off  guard,” say ni Luis sa interview sa kanilang mag-asawa ni G3 San Diego.

***



KASAMA pala dapat si Angelica Panganiban sa naging blockbuster movie na Four Sisters and a Wedding na year 2013 nang ipalabas sa mga sinehan. Pinagbidahan ito nina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Bea Alonzo.

Sa interview ni Boy Abunda kay Angelica ipinagtapat nito na nagsisisi siyang tinanggihan niya ito.

“Yung Four Sisters, hanggang ngayon hindi ko pinapanood,” say pa ni Angelica.

Ang paliwanag ni  Angelica kung bakit hindi siya natuloy sa pelikula.

“May mga hindi lang napagkasunduan sa mga agreement, so huwag na lang. Tapos sabi ng Star Cinema, Okey. Parang ako. “Bakit  nag-okey sila kaagad?”

Tinanong din si Angelica kung bakit nagdesisyon siyang tumigil muna sa paggawa ng teleserye. At pinaninindigan pa rin niya ito kahit  mahirap din daw ito para sa kanya.

“Gusto ko talagang panindigan dahil may ibang direction na siyang gustong gawin ngayon. Si Angge, may ibang direksyon na siyang gustong gawin.  Na hindi ko makikita na matutupad  yun  kung  sobrang  involved pa rin ako sa paggawa ng teleserye,” aniya.

Pero ipinarating naman daw niya sa mga bossing ng ABS-CBN na kung talagang kailangang kailangan ay puwede niyang i-consider.

Reaction naman ng ilang netizens na baka kung kailangan o gusto nang gumawa ng serye ni Angelica ay hindi na kailangan ang serbisyo niya.

***

Gretchen hindi nagpagamit o nagpa-uto

MABUTI na lang walang iba taong sumusulsol  kay Gretchen Barretto kung sino lang ang bibigyan niya ng ayuda.

Si Gretchen ang tao na walang pinipili kung sino ang bibigyan ng biyaya o ayuda. Hindi siya tulad ng iba na kunwari nagbibigay o gustong tumulong pero namimili naman ng bibigyan.

Saludo ang entertainment writers at maging mga artista sa pagiging Santa Claus na matatawag kay La Greta. Kahit hindi kilala at hindi lang yung ilang tao na close ang tutulungan o bibigyan ng ayuda.

Sana lang hindi makalapit o magpauto  si Gretchen sa isang tao na kunwari ay matulungin pero makasarili naman.