Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MAPANINDIGAN naman kaya ni Angelica Panganiban na magpahinga na sa paggawa ng serye?
Ito ang tanong ng netizens mula naman gawin nito ang Familia Zaragosa ay nagkasunod-sunod na ang serye nito.
Umabot lahat ang serye na ginawa nito ng 23 teleserye kaya siguro napagod si Angelica.
Taong 2018 pa sana plano tumigil ni Angelica nang gawin nito ang Playhouse with Zanjoe Marudo.
Nung mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at kasabay ang pandemya ay ini-offer naman sa kanya ang ‘Walang Hanggang Paalam’ with Paulo Avelino at Zanjoe ulit at sino ba naman daw siya para tanggihan ang project.
Pero tila gusto naman nito tutukan ang personal na buhay at bumuo ng sariling pamilya.
Nang ipaalam nga ni Angelica sa ina na ayaw na nito gumawa ng serye, kuda naman nito ay kung depressed ang aktres.
Sagot ni Angelica na hindi ba raw puwedeng sarili naman daw nito ang kanyang tutukan lalo na nga at luma-lovelife ito ngayon.
Tanong ay mapanindigan naman kaya ni Angelica na huwag na gumawa ng serye. Tignan natin.
***
SA bagong project ni Julia Barretto ay marami ang magugulat dahil kakaibang gf daw ni Gerald Anderson ang mapapanood sa mapangahas na role na now pa lang gagawin ng gf.
Title pa nga lang daw ay mukhang kumawala na sa pagiging wholesome si Julia.
Ang mahusay na aktor naman na si Carlo Aquino ang leading man ni Julia SA Exepensive Candy at ang direktor ang siya ring nagdirek ng unang movie na pinagsamahan nila ni Gerald, ang Between Maybe na si Direk Laxamana.
May basbas naman kay kay Gerald ang pagde-daring ni Julia at bumigay na raw ito sa latest project na nag-start na ang lock- in shooting.
Mukhang lucky charm ni Julia si Gerald dahil bukod sa EC ay meron din itong isa pang project na suspense thriller na Bahay Na Pula with Xian Lim at Marco Gumabao sa direksyon ni Brillantes Mendoza. Bukod pa sa Di Na Muli kung saan ay mapapanood din si Julia.
Mahuhusgahan na nga raw si Julia kung talagang bumigay at kumawala na sa pa tweetums at pa-wholesome image nito.
Well, well, well…’Yun na!