Advertisers

Advertisers

MASS VAX SA MENOR DE EDAD, TULOY SA MAYNILA

0 215

Advertisers

Nagappatuloy ang pagbabakuna sa general population ng mga menor de edad, mula 12 hanggang 17 anyos, nitong araw ng Miyerkoles, Disyembre 8.

Mahigit 10-libong doses ng bakuna kontra Covid 19 naman ang nakahandang iturok ngayong araw sa mahigit 60 vaccination sites sa lungsod ng Maynila

Ayon kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, sabay na isasagawa ang pagbabakuna ng unang dose at ikalawang dose sa mga sumusunod na vaccination sites: 6 LGU hospitals; 4 malls at 12 community sites



Gagawin ang second dose sa mga kabataan na na nabakunahan ng Pfizer vaccine noong Nov.17 sa district hospital at sa anim na special school sites.

Magkakaroon din ng booster shot para sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na mahigpit anim na buwan na ang nakalipas mula nang mabakunanan ng second dose sa mga sumusunod na lugar: 6 na LGU hospitals; 4 malls at 12 community sites.



Laging paalala ng Alkalde na ipakita ang QR code para sa verification at dalhin ang ID, updated vaccine ID na maaaring makuha sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Para sa mga minor, magdala ng birth certificate/baptismal/school ID/PWD ID/ o anumang balidong ID at para sa mga may comorbidity, magdala ng medical certificate na may lagda ng doktor.



Paalala rin ang palagiang sumunod sa health protocols pagdating sa lugar ng bakunahan.

Samantala sa pinakahuling data ng Manila Health Department o MHD,
may 2,919,399 na ang nabakunahan laban sa covid 19 sa Lungsod ng Maynila.

Sa covid 19 cases naman sa Maynila, umabot na sa 90,363 ang kumpirmadong tinamaan ng naturang sakit, 88,544 sa bilang na ito ay gumaling, 1,723 ang pumanaw at sa kasalukuyan ay mayroon na lamang 96 na aktibong kaso sa lungsod.(Jocelyn Domenden)