Advertisers

Advertisers

Ina ng Maguad siblings, nanawagan: “‘Di dapat i-underestimate ang kabataan

0 340

Advertisers

Naiahatid na sa huling hantungan ang magkapatid na Maguad na walang-awang napasalang sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Sa ulat, isang misa ang isinagawa sa Santa Theresa Hesus Parish sa North Cotabato bago ilagak sa kanilang himlayan ang labi ng magkapatid.

Doon nanawagan ang kanilang ina na si Lovella para sa agarang pagkamit ng hustisya ng kanyang mga anak.



“They have the manipulative skills, the power to destroy other children, good children, promising children,” “Kaya sumasamo po ako sa pamilya ng mga salarin, please, tulungan niyo po kami sa ikatatahimik po ng aming mga anak at ikatatahimik din po namin,” emosyonal na nasabi ni Gng. Maguad.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng nakiisa at nakiramay sa kanilang mag-asawa sa sinapit ng kanilang dalawang anak.

Samantala, itinuring na solved ang kaso nang umamin ang adopted school girl ng mag-asawang Maguad na siya ang utak ng karumal-dumal na pagpatay.

Kasalukuyan hawak ito ng Department of Social Welfare and Development habang pinaghahanap pa ang sinasabing iba pang sangkot sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">