Advertisers

Advertisers

Japan namahagi ng ayuda sa naapektuhan ni ‘Odette’

0 371

Advertisers

NAGBIGAY ng ayuda ang gobyerno ng Japan sa pamamagitan nang pamamahagi ng emergency assistance packs sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

Nabatid ito nitong Biyernes sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sabi ng DFA ang pamamahagi ng Japanese government ay sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA),  kabilang dito ang mga  generators, sleeping mattresses, sleeping pads, dome tents.



Ang pagtanggap ng naturang ayuda ay sinaksihan nina Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, JICA Chief Representative Azukizawa Eigo, kinatawan ng  DFA at  Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi dahil pa rin sa bagyong  Odette at nito ngang Biyernes ay nasa 367 base ito sa tala na  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).



Kung  nasa 62 pang katao ang nawawala, samantalang 732 ang sugatan matapos manalasa ang bagyong Odette sa Kabisayaan at Mindanao.(Lordeth B. Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">