Advertisers

Advertisers

Pasay Mayor Emi Calixto, muling nagpositibo sa COVID-19

0 237

Advertisers

SA ikalawang pagkakataon, tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Sa anunsyo ng Pasay public information office (PIO), araw ng Linggo, sumailalim sa COVID test ang alkalde matapos makaranas ng pananakit ng lalamunan o sore throat nitong Sabado.

Sa ngayon ay naka-isolate na ang 61-anyos na alkade habang inaalam pa ng mga otoridad kung anong variant ang tumama rito.



Pebrero noong nakaraang taon nang unang beses magka-COVID si Calixto-Rubiano.

Sa ngayon ay naka-isolate na ang 61-anyos na alkade habang inaalam pa ng mga otoridad kung anong variant ang tumama rito.



Pebrero noong nakaraang taon nang unang beses magka-COVID si Calixto-Rubiano.

Sa ngayon ay naka-isolate na ang 61-anyos na alkade habang inaalam pa ng mga otoridad kung anong variant ang tumama rito.



Pebrero noong nakaraang taon nang unang beses magka-COVID si Calixto-Rubiano.

Samantala, nakataas na ang Alert Level 3 sa Metro Manila makaraang magdesisyon ang IATF dahil sa pag-spike ng mga kaso ng Covid-19 Omicron virus na naitala nitong Holiday season.

Marahil ay dahil ito sa paglabas ng mga tao nitong nagdaang Kapaskuhan at Bagong taon.

Hindi naman dapat mangamba ang mamamayan sa bagong alert level na ipinatutupad dahil isa lamang itong prevent move ng pamahalaan upang pangalagaan ang kalusugan ng mga Pinoy at wag nang lumala pa ang sitwasyon gaya ng dati na napupuno ang mga Covid wards ng bawat ospital.

Ayon sa IATF, tatlong bagong kaso ng Omicron virus ang na-monitor ng DOH nitong mga nagdaang araw kung kaya’t kinakailangang itaas ang estado sa alert level 3.

Nasa mga lokal na pamahalaan na rin ang desisyon kung pagpapatupad itong ng granular lockdowns sa kani-kanilang mga lugar.

Puwede ring ibalik ang curfew segun sa magiging desisyon ng mga LGU officials.

Samantala, wala namang iniulat na paglobo sa kaso ng Covid-19 sa lungsod ng Pasay maliban sa kaso ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na sa ikalawang beses ay tinamaan ng nasabing sakit.

Hindi nilinaw ng Pasay LGU kung magtatalaga sila ng “care-taker” administrator habang naka-isplate si Mayora Emi dahil andyan naman at very able at healthy ang bise alkalde ng siyudad na si VM Boyet del Rosario.

Hindi rin umano maaapektuhan ang pang-araw-araw na gawain sa city hall dahil imo-monitor din ni Mayora Emi ang lahat ng departamento ng Pasay City LGU habang nasa self isolation.

Posible lamang hindi makaikot ang butihing ina ng lungsod sa pangangampanya base na rin sa advice ng kanyang doctor.

Marami naman ang nagsasabi na kahit di mangampanya ang re-electionist lady mayor ay wala itong dapat alalahanin dahil base sa mga random surveys ay milya-milya ang lamang nito sa kanyang kalaban.

Patuloy namang mag-iikot at susuportahan at iindorso ng Team Calixto ang kanilang mayoralty candidate habang nagpapagaling ito.

***

Sa kalapit na lungsod naman ng Paranaque, mahigpit na pinaalalahanan ni Mayor Edwin Olivarez ang lahat ng kanyang department heads na maging alerto sakaling magkaroon ng spike sa Covid-19 cases sa kanilang siyudad.

Ang Ospital ng Paranaque 1 & 2 ay handing-handa na sa anomang kaganapan posibleng mangyari laban sa Omicron virus na ito, pahayag pa ni Mayor Edwin.

Naglaan din ng pondo na magmumula sa emergency fund ng lungsod sakali ngang kailanganin pa ang karagdagang logistic sa gamut at iba pang medical and hospital needs ng mga Paranaquenos.

Nananawagan din si Kuya Edwin na sunduin at huwag balewalain ang mga standard health protocols na pinatutupad ng pamahalaan at kung maaaring ay manatili na lamang sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga taga-Paranaque kung wala namang gagawing importante sa labas.

Mahigpit din ipapatupad ang pagbabawal sa mga menor de edad na gumala sa ano mang oras particular na yaong hindi pa nababakunahan.

Maglalabas ng karagdagang anunsiyo ang pamahalaang lokal ng Paranaque sa mga susunod na araw habang 24/7 imomonitor ng City Health Department ang lahat ng mga kaganapan sa buong siyudad.

Inatasan na rin ni Mayor Olivarez ang kapulisan ng lungsod na maghigpit sa pagbabantay sa mga lumalabag sa health protocols.

Nawa’y wag nating sayangin ang mga “gains” na tinamasa nating lahat sa paglaban sa Corona virus at panatilihin natin ang pagsusuot ng face masks at pagiging malinis sa ating katawan.

Maging responsible rin tayong mga magulang na gabayan at bantayan an gating mga anak lalo na yaong mga menor de edad upang din a makadagdag pa sa problema o di pagkakaintindihan sakaling masita ang mga ito sa kanilang paggala sa labas.

Harapin natin ng may pag-asa at linaw ng kaisipan ang Bagong Taon 2022.

Wag dumagdag sa problema at wag maging pasaway!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com