Advertisers
SINO kaya ang higit na makikinabang kung muling makaboto ang mga bilanggo sa papalapit na May 9, 2022 elections at maulit ang kasaysayan sa halalang ginanap noong June 16, 1981?
Kung ating pagbabalik-tanawin ang mga nakaraang kaganapan ng kapanahunan ng diktadurang rehiyimen ng pinatalsik na Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, ay pangkaraniwan na ang senaryong ito sa mga detention centers.
Ang mga municipal, city at provincial jail wardens ay mahigpit na inatasan noon ng mga tuta ni Marcos na iparehistro sa Comisssion on Elections (COMELEC) ang kanilang mga detenidong preso, maging mga mga ito man ay mga bilanggong may mga nabinbin at nililitis na kaso sa hukuman o kaya ay yaong mga nasentensyahan na sa korte ng pagkabilanggo.
Sa ilalim ng batas ay ang mga sentensyadong preso ay nahuhubaran ng karapatan para makaboto lalo’t hindi na naghain ang mga ito ng apela para pawalang bisa ang hatol sa kanila.
Tanging ang mga detention prisoner lamang o yaong mga bilanggong hindi pa pinal na napagtitibay ang kaparusahan ng hukuman ang kinukunsidera at binibigyan ng prebilihiyo upang makaboto sa halalan lalong-lalo na kapag ganitong ang nakasalalay ang pinakamataas na pwesto sa pamahalaan at ang kinabukasan ng bansa.
Ang pinaka-magandang halimbawa nito ay si Senadora Leila De Lima. Hindi lamang siya maaring bumuto pagdating ng halalang gaganapin sa Mayo 9, 2022, kundi maari din siyang iboto pagkat isa siya sa kandidatong senador sa gaganaping eleksyon.
Hindi po natin ikinakampanya ang mabunying senadora pagkat personal mente ay hindi naman pabor ang inyong lingkod para makabalik siya sa kanyang tungkulin bilang absentee senator.
Balik po tayo sa posibleng muling pagboto ng mga preso ng tulad sa kinagawian na nang panahon ng diktadurya.
Ang totoo., isa po tayo na nakasama ng mga bilanggo na nagsiboto sa Quezon City jail noong June 16, 1981 Philippine presidential election at national referendum.
Kasabay ng idinaos na presidential election ng bansa, ay ang pagkakaroon ng national referendum para alamin kuno ang pulso ng sambayanan kung sang-ayon ang mga itong magkaroon ng halalang pambarangay sa lalong madaliang panahon pagkatapos ng presidential election.
Kung matatandaan din ng ating mga KASIKRETA ang ginanap na magkasabay ng presidential election at national referendum ay idinaos isang araw lamang matapos na ipawalang bisa ni Marcos ang kanyang kontrobersyal at mapang-aliping Martial Law.
Talaga namang pinagmukhang kenkoy ni Marcos ang mga botanteng Pinoy pagkat ang pinalitaw ng mga itong kalaban sa pagka-presidente ay ang kanya ring mga tuta nito noon na military general at ulyaning si Alejo Santos na ibenandera ng Nacionalista Party (NP) (Roy Wing) at ang noon ay isang paparetiro politko na si Bartolome Cabangbang.
Si Marcos na standard bearer ng kanilang binuong partido politkasl na Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ay nakakuha ng mahigit sa 18 milyong boto na katumbas na 88% na kabuuang boto, si Santos ay nagtamo ng halos ay 2 milyong boto samantalang si Cabangbang ay mahigit lamang sa 700,000 boto ang nakopo.
Sa 13 kandidato sa pagka-presidente ay si Florencio Tipano ang nakakuha ng pinaka-maliit na 592 votes. Isa si Tipano sa 10 iba pa na kumandidato naman bilang independent candidates sa nasabing election para kunyari ay pabagsakin si Marcos.
At siyempre pa kasama sa kanuuang mga boto ni Marcos ay mga boto ng mga detenido ay sentensyadong preso.
Sa kasaysayan ng halalan ng bansa noon lamang nakakuha ng pinakamataas na 88% na pinakamalaking percentage na boto ang isang kandidato sa pagka-pangulo
Sa maniwala kayo at sa hindi mga KASIKRETA ang nag-iisang boto ni General Alejo Santos mula sa noon at humigit-kumulang sa 1,000 preso, pulis at mga empleyado ng Quezon City Jail ay ang kontrobersyal na boto ng inyong lingkod.
Bago pa kasi buksan ang urna na hudyat ng pagsisimula ng botohan ay matindi ang tagubilin ng aming City Jail Warden na noon ay si Police Major at PBA referee Igmidio Cahanding na sumunod na lamang ang lahat sa direktibang straight votes para sa lahat na mga kandidato ng KBL.
Nilabag ng inyong lingkod ang direktiba ng itaas at sinunod ang sinasabi ng aking konsensya.
Sawang-sawa na ang mamayan noon sa mapang-aliping Martial na kapag mga di kapanalig ay itinatapon sa kangkongan at ito ang nga ay ang pagbabantay ng mga bilanggo sa piitan.
Nainit at naipit na nag-uumpugang bato ang inyong lingkod nang tangkain arestuhin ang isang army sergeant na nanggulo sa restaurant. Ang nasabing sundalo ay bata-bata pala ng isang military officer ni Marcos..
Hindi naman nagsisisi ang inyong lingkod na maitalaga sa Quezon City jail pagkat nasaksihan natin kung paanong ang isa sanang malayang pagpili ng lider ng bansa ay nahaluan ng malawakang pandaraya.
Kung magaganap na muli ang katulad ng nangyari ito noong June 16, 1981, sino kaya ang higit na makikinabang sa mga boto preso. Kaya dapat bantayan din ang National Bilibibid Prison (NBP) sa Muntinglupa City na posibleng lumahok pati mga sentensyadong inmates sa pagpili ng Pangfulo at iba pang opisyales ng pamahalaan?
***
Para sa komento:Cp # 09293453199 at 09664066144; email: sianing52@gmail.com.