Advertisers

Advertisers

Duterte sa mga bgy. chair: Huwag palabasin ang mga hindi pa bakunado vs Covid-19

0 425

Advertisers

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga barangay tserman na hanapin ang mga hindi pa bakunadong indibidwal at pagbawalang lumabas ng bahay sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang Talk to the People nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na dapat tandaan ng mga punong barangay ang mga hindi bakunadong mamamayan at huwag hayaang makalabas sa kanilang bahay.

“I’m now giving orders to the barangay captain to look for those persons who are not vaccinated and just would request them or order them, if you may, to stay put. And if he refuses, he goes out of the house and goes around in the community or maybe wherever magpunta, he can be restrained. And if he refuses, then the barangay captain being a person in authority is empowered now to arrest the recalcitrant persons — that is in addition to the police power, the agents of a person in authority,” ayon sa Pangulo.



Pahayag ni Pangulong Duterte, tungkulin niya na pangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.

“Hindi naman agad arestuhin. Pakiusap lang. Hindi ka nagpabakuna, then you put everyone in jeopardy,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maari aniyang magpakalat ang mga barangay tserman ng mga sibilyan na siyang magsisita sa mga lalabas na indibidwal na hindi pa bakunado laban sa COVID-19. (Vanz Fernandez)