Advertisers

Advertisers

Motorsiklo nawalan ng kontrol: 1 patay, 2 sugatan

0 228

Advertisers

Patay ang driver ng motorsiklo habang sugatan ang 2 backrider ng bumangga sa gilid ng kalsada ng mawalang kontrol sa manibela sa Catananuan, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Phillip Abenilla, 37; habang nilalapatan naman ng lunas sa Bomdoc Peninsula District Hospital ang mga sugatang sina Jason Orgzno, 29; at Elmer Caparros, 25,na pawang taga Catananuan Quezon.

Sa report, 12:50 ng hapon ng maganap an aksidente sa Brgy Canculajao, Catananuan Quezon.



Sakay ang mga biktima sa motorsiklo na minamaneho ni Abenilla na binabagtas ang national road patungo sa Town Center.

Pagsapit sa nasabing lugar na nawalang kontrol sa manibela si Abenilla at bumangga ang motorsilo sa gilid ng kalsada at tumilapon ang tatlo.



Agad naman dinala ang mga biktima sa pagamutan upang malapatan ng lunas ng lunas ngunit hindi na umabot ng buhay si Abenilla.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">