Advertisers

Advertisers

Ara dream come true na makasama sa eksena si Sharon

0 567

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PROUD si Ara Mina nang mag-post ang kanyang iniidolo na si Sharon Cuneta sa sarili nitong socmed ng picture nila.

Mas nauna naman na nag-post si Ara ng pics nila ni Megastar sa kanyang socmed.



Wina-watch nga raw ni Ara ang mga scene ni Megastar at talagang hangang-hanga ito.

Pag-amin pa ni Ara na naiiyak na nga siya kapag pinapanood ang mga eksena ni Megastar.



Lalo na nga raw kapag sila na ang magka-eksena  siguro ayon kay Ara ay baka bumuhos ang luha niya.

At dream come true nga raw na makasama niya sa scene si Sharon.



Na-appreciate nga ni Ara ang pagtanggap sa kanya ni Megastar as kaibigan. Siya pa raw ba ang mag-iinarte eh Megastar na ito na kahit noon ay idolo na niya.

At ngayon nga kasama na niya si Sharon sa serye wish na lang nito ay makasama sa eksena ang idol.

***

SA bagong post ni Xian Gaza na binansagang Pambansang Maritess ay iniugnay  nito ang name ni Liza Soberano kina Kathryn Bernardo at Barbie Imperial.

Kaya sinabihan niya itong tigilan ang pagiging Maritess at huwag na silang idamay.

Nabanggit kasi sa post ni Xian ang name ni Liza at manager nito na si Ogie Diaz. Natatakot naman si Ogie  na baka kuyugin sila ng bash ng mga netizen.

Nagkakilala lang naman daw sina Xian at Liza sa manager at tawag pa nga ni Liza dito ay chairman kahit di sila close.

Magkakilala sina Xian at Ogie dahil magkumpare nga raw ang dalawa. Kaya malabo naman daw na itsismis nito ang alaga ng kumpare.

Sa kabila ng paliwanag ni Xian ay binigyan pa rin ng babala at binuweltahan siya ng manager ni Liza na huwag silang idamay.

Mawa-watch nga raw sa vlog ni Ogie ang kabuuan ng pagkastigo nito kay Xian na kanyang kumpare sa pagdamay sa name nila ni Liza.

Idiniin ng manager na wala nga raw silang kinalaman ni Liza sa post ni Xian.

Well, well, well…’Yun na!