Advertisers

Advertisers

Pakasalan mo na Papa P Shaina tumatanda na, need na magkapamilya; KC tinawag na Reyna si Mommy Sharon

0 300

Advertisers

Ni BETH GELENA

VIRAL na naman ang sweet photos nina Piolo Pascual at  Shaina Magdayao.

Sabi nga what you see is what you get.



Parehong ayaw magsalita ng rumored celebrity couple.

But despite the fact na may kumakalat na namang sweet photos nilang dalawa ay hindi  nila ito tinatanggi o dine-deny.



Komento nga ng netizens:

“Next thing you know separated na sila w/o knowing the reason why. bakit ba papa p? sana mag asawa kna at your age”



“I think they’ve been together for over 8 years na daw. And low key sila, actually parang recently lang may lumabas na photos ulit nila na cozying up together. If they do not end up naman sa marriage, eh sawsawera lang tayo so wala silang kailangan iexplain sa atin!”

“Yan ang lalaki! Matipid sa mga sgot. Parang Yung lagi mong maririnig Na litanya lang ni Boy Abunda! ‘What you see is what you get’ Toroy!”

“Love ko Piolo and Shaina separately and together na rin. ❤️ 💕 💗”

“Ang tagal na nila ah nako papa p kung wala ka balak panindigan si shaina better leave her nalang para makahanap pa sya ng better sakanya at makabuo ng pamilya. Ikaw kasi ok lang sayo maging bachelor may anak kana e, si shaina tumatanda na din no need din niya sariling family.”

“Gusto nman ni girl yun so wag mo sisihin c piolo. Alam ni shaina kung ano ang pinasok niya”

“Gusto nman ni Shaina sya nga ang laging dumidikit kay Piolo, seasonal ang kanilang pagka sweet hahaha”

Marami ang may gustong pakasalan na ni Papa P si Shaina.

“marrying age na si shaina kung di nya pakakasalan leave her alone”

“In fair kay Shaina, from John Lloyd to Piolo. Superstars!”

“Ilang years na rin naman mula nung laging silang 2 ni shaina ang magkasama sa mga events ng ABS. I thought magjowa na sila dati pa”

***

NAGSELEBREYT si Sharon Cuneta ng kanyang 56th birthday last January 6.

Todo ang pasasalamat ng Megastar sa mga Sharonians at sa mga kaibigan niya in and out of showbiz dahil sa mga bonggang pagbati at mga regalo na natanggap niya.

Nag-post si Sharon sa kanyang Instagram account  ng photo collage na makikita ang kanyang mga litrato mula noong bata pa siya, nang magdalaga hanggang sa magkaroon ng asawa at magkaanak.

“Yup – these all me! Thank you so very much to all of you who sent me gifts (though totally unnecessary, truly much appreciated!), cards, text messages to wish me a Happy Birthday today!

“So sorry po, ‘di ko na kayang i-post isa-isa sa dami! But am thankful to God Almighty for all of you! You are in my (heart). I love you all so much, family, friends, and Sharonians/Sharmy!!! So blessed to have you all in my life,” sinulat niya sa caption.

Ang panganay niyang anak na si KC Concepcion ang unang bumati sa singer-actress.

“January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen! My first best friend, my first valentine, my only mama. May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what,” mahabang birthday message ni KC sa ina.

Ganyan ba ang may hidwaan na mag-ina?

May mga Marites kasing konting kibot ng mag-ina ay binibigyan agad ng masamang kahulugan.

Anyway, may mensahe rin si Judy Ann Santos sa kanyang Ate Sharon.

“Para sayo kakanta ako ng live nang walang sabi sabi ate @reallysharoncuneta. Para sayo, magluluto ako ng mga paborito mong pagkain agad agad….

“Mula sa pinakasarap na curry hanggang sa pinakamabahong keso ibibigay ko sayo. Ganyan ka kahalaga sa akin. Happy birthday my dearest ate!

“I love you with all my heart… apdo, balunbalunan, bituka, liver, kidneys, lungs atbp. We love you forever!” sey ni Juday.

Binati rin siya ni Dimples Romana, “Happy happy birthday to this beautiful soul @reallysharoncuneta who never fails to inspire all of us with her humility, genuine care and love for others and her warmth that I have been blessed to experience many times over.

“I love you Ms Sharon! I’ll be your fan forevs. Praying you’ll have lots of life’s most beautiful surprises.”