Advertisers

Advertisers

PH JUDO PREPARADO NGAYONG TAONG 2022

SEAGames at Asian Games..

0 229

Advertisers

IPAGPAPATULOY na ng Philippine Judo Federation (PJF) ang mga programa nitong nakahanda para sa taong 2022 sa oras na lumuwag na ang ipinapatupad na protocol ng pamahalaan kaugnay ng pag-iingat at pag-gapi ng Covid-19 partikular ang pagsulpot ng bagong variant na Omicron.

“Planning pa lang. Plano naming mag-resume ng training ang mga atleta natin na dapat ay ngayong huling bahagi ng Enero. Depende sa sitwasyon, sunod lang kami sa ihahatag ng PSC at sa atas ng IATF kung papayagan nang mag-ensayo ang combat sport tulad ng ating larangan ng judo”, pahayag ni PJF secretary-general Dave Carter.

“Pag-resume ng training ang magiging barometro namin kung sinu-sino na ang bubuo na national men and women judo team na sasabak sa darating na Hanoi Southeast Asian Games sa Vietnam na nakatakda sa Mayo 2022”, ayon pa sa dating pangulo (3-terms) na si Carter.



Ang larangan ng judo ay isa sa pinaka-produktibong national sports association sa bansa kung saan ang Pinoy judokas ay laging may pambatong manlalaro magmula sa SEAGames ,Asian Games hanggang Olympics sa liderato ng Carter.

Itutuloy din ang programa ng PJF mula sa pagtuklas ng mga potensiyal na judokas sa grassroot level patungong elite pati na ang pagdiskubre ng mga mestisong judokas tulad nga mga Fil-Americans at Fil- Japanese athletes.



Sa dedikasyon ng bagong PJF president na si Alexander Sulit mula Ateneo de Manila University at sa agapay ni secgen Carter at iba pang opisyales ng naturang NSA ay handa na ang Philippine Judo sa pagsabak para sa karangalan ng bansa sa suporta ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission mauna ang SEAGames kasunod ang Asiad ngayong ‘Year of the Tiger’.

Si Carter ay nananatiling opisyal din ng POC na pinamumunuan naman ni Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">