Advertisers
UMAABOT sa mahigit 100 kawani ng Department of Agrarian REform (DAR) ang umano’y nagpositibo sa Covid-19 dahil sa pagtuloy na pagtaas ng kaso nito sa Metro Manila.
Nabatid sa mapagkakatiwalaang sources ilang departamento umano ng mga tanggapan sa DAR ay naapektuhan ng muling pagtaas na naman ng mga kaso ng Covid sa Kamaynilaan.
Nauna rito magugunitang nitong nakalipas na 2020 pansamantalang sinuspindi ang operasyon ng DAR Central Office sa Quezon City makaraan umanong mapag-alaman na isa sa opisyal nito ay nagpositibo sa Coronavirus disease-2019 (Covid-19).
Kaugnay nito tiniyak naman ni DAR Secretary Bernie Cruz na sakabila ng pagsipa ng mga kaso ng Covid-19 sa kawani ng tanggapan ng DAR tuloy pa rin serbisyo ng mga kawani ng DAR para pagsilbihan ang mga magsasaka na kanilang pinagsisilbihan.
Samantala, kaugnay nito sa cellphone interbyu nitong Enero 11, 2022 (Martes) sinabi ni Cruz na nakatakda niyang hilingin sa Malacanang na dahil sa panibagong pagsipa ng mga kaso ng Covid sa DAR hihilingin nya na mas mababa pa sa 60 percent ang work force sa DAR na papasusukin at hihilingin nya na magkaroon na lamang ng 30 to 40 percent skelletal force na empleyado ang dapat na pumasok.
“SA kabila ng mga nararanasan natin na krisis sa kalusugan patuloy ang serbisyo ng DAR sa ating mga magsasaka” paniniyak pa ni Cruz.
Kaugnay nito siniro ni Cruz na sa sandaling maaprubahan ang kahilingin niya sa Malacanang na skelletal force lamang ang papasok sa DAR tiniyak niya na patuloy ang serbisyo ng mga kawani ng DAR sa mga magsasaka at sa mga pangangailangan tulong nito.
“Patuloy ang serbisyo ng DAR sa ating mga kapatid na magsasaka habang ipinatutupad ang health protocol” ani pa ni Cruz.(Boy Celario)