Advertisers

Advertisers

Komentarista, takbong Konsehal nilikida!

0 335

Advertisers

PATAY ang isang hard hitting commentator ng pagbabarilin sa bahagi ng national highway, Brgy. New Carmen, Tacurong city, Sultan Kudarat, 10:00 ng umaga nitong Miyerkoles .

Kinilala ang napatay na si Jaynard Angeles, 35 anyos, may asawa, residente ng Barangay Matiompong, Lambayong, Sultan Kudarat at broadcaster ng Radyo ni Juan Tacurong sa programang Tinig ng Bayan.

Si Angeles ang isa sa mga humahawak ng iba’t-ibang isyu sa probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao sa pamamagitan ng kanyang programa at tumagal na ng higit 10 taon bilang mamamahayag at dating Manager ng Radyo Bandera Tacurong, at ng Radyo ni Juan Tacurong.



Dati na ring sinubok ni Angeles ang karera sa politika nang tumakbo bilang Barangay kagawad ng Barangay EJC Montilla sa Tacurong.

Nitong nakaraang filing of Certificate of Candidacy, nagsumite ito ng kandidatura sa pagka-konsehal ng Lambayong, Sultan Kudarat sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas ni dating Senador Bongbong Marcos.



Ngunit nitong umaga ng Miyerkoles habang nagpapa-ayos ang biktima ng kanyang sasakyan sa nabanggit na lugar binaril ito ng gunman na nakasakay sa isang Bajaj na motorsiklo.

Dalawa ang salarin sa pamamaril patay kay Angeles gamit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.



Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na siyang agaran nitong ikinamatay.

Sa inisyal na report ni Allan Freno Information Officer sa naturang lungsod, nag-resigned sa trabaho si Angeles dahil sa pagsabak nito sa politika.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa crime scene.(Thony Arcenal/Mark Obleada)