Advertisers

Advertisers

Covid update: 34,021 bagong kaso; 4,694 gumaling; 82 nasawi

0 398

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng panibagong record-high na 34,021 mga bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Enero 13.

Batay sa case bulletin #670 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 3,092,409 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 7.7% pa o 237,387 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.



Sa mga aktibong kaso, 225,408 ang mild cases; 7,332 ang asymptomatic; 2,881 ang moderate cases; 1,468 ang severe cases; at 298 ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 4,694 bagong gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa 2,802,286 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.6% ng total cases.



Nasa 82 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman nitong Huwebes.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 52,736 total COVID-19 deaths o 1.71% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">