Advertisers

Advertisers

Abogado nalunod, positibo sa COVID

0 169

Advertisers

Namatay sa pagkalunod ang isang abogado habang naliligo sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas noong Linggo ng umaga at nadiskubreng positibo ito sa COVID-19.

Hindi na pinangalanan ang abogado na may edad na 77-anyos at residente ng Barangay Poblacion, Biñan City, Laguna.

Sa report, kasama ng biktima ang isang court social worker nang mag-outing sa Bernabeach Resort sa Barangay Bucana, Nasugbu.



Bandang 9:45 ng umaga, nag-iisang naliligo ang biktima nang mapansin ng kasama nito na wala na itong malay.

Agad namang sumaklolo ang mga tauhan ng resort at isinugod sa Jabez Medical Center ang biktima subalit ideklara itong dead on arrival.



Nang isailalim ang bangkay nito sa rapid antigen test positibo ito sa COVID.

Agad namang inilagay sa isolation facilities ang kasama nito habang hinihintay pa ang reulta ng kanyang swab test.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">