Advertisers

Advertisers

4 Pulis ‘nagnakaw’ nasa hot water

0 534

Advertisers

Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Gen. Diornardo Carlos ang pagsasailalim sa restrictive custody ang 4 na pulis ng Agusan ddl Sur nang isangkot ang mga ito sa pagnanakaw ng P 2.7 exotic agar wood sa Banay banay, Davao Oriental noong Jan 17, 2022.

Pinatitiyak ni Carlks kay BGen Romeo Caramat, Caraga Regional Director na makakaharap ang apat na pulis na sina PSMS Ronald Laro, PSSg Dariel John Mozo, PSSg Richard Ayala, at Pat Ivan Klein Osorio sa isasagawang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG at PNP Internal Affair Service (PNP IAS).

Sinabi ni Carlos na layunin ng restriction na maipluwensiyahan ang isasagawang imbestigasyon at pananakot sa mga witness at complainat.



Binigyan diin ni Carlos na pagkakataon ang 4 na pulis na maibigay ang kanilang panig sa nasabing akusasyon.

Sumuko ang 4 na pulis sa kanilang superior officer sa Police Regional Office 13 Headquarter sa Butuan City nang isangkot sa robbery na nagkakahalaga ng P2.7 million ng mga exotic Agar wood sa bahay ng isang negosyante si Jasper Pabilic, 35, ng Purok B. Poblacion Banay Banay, Davao Oriental, 2:00 ng hapon noong Jan 14, 2022. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">