Advertisers

Advertisers

Takbong Vice Mayor akusado sa medical director slay

0 274

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Kumikilos na ang tracker teams ng pulisya upang arestuhin ang dalawang nagsilbi umanong prime accused sa pag-ambush patay kay late Maria Reyna-Xavier University Hospital medical director Dr. Raul Winston Andutan Jr., sa Cagayan de Oro City noong unang Linggo ng Disyembre 2021.

Sinabi ni City Police Director Col Aaron Mandia na maliban sa tatlong naaresto suspected gun for hire na nakakulong na sa regular jail, inatasan rin sila ng korte na arestuhin si vice mayoralty candidate Richard Gepte kasama ang middle man na si Reynaldo Tortusa na kapwa residente sa Barangay San Alonzo, Balingoan, Misamis Oriental.

Inihayag ni Mandia na malaking susi sa pag-resolba ng kaso kung maaresto sina Gepte at Tortusa kung ano ang motibo ng krimen at kung sino ang nasa likod pagpapatay kay Andutan.



Sa ngayon, hindi na makikita si Gepte na kandidato pagka-bise alkalde ng Balingoan at maging si Tortusa na nakatakas nang malusob ng joint police operations ang kanyang bahay noong Disyembre 3.

Magugunitang tanging naaresto ang tatlong suspected gun for hire na walang kaalam-alam sa terrain ng kanilang pinagtataguan dahil lahat nagmula sa probinsya ng Bukidnon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">