Advertisers

Advertisers

Lolo pinugutan ng ulo ng pinsan

0 503

Advertisers

CAGAYAN VALLEY – Parang baboy na pinagtataga at pinugutan ng ulo ang isang lolo ng kanyang pinsan sa Barangay Pagdalagan Norte, San Fernando City, La Union.

Kinilala ang biktima na si Beinbenido Bautista, 64, binata; habang ang salarin nakilala na si Eduardo Marso, pinsan ng biktima, may asawa kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, nasa bahay lamang si Bautista at nagluluto nang mangyari ang krimen na nakita mismo ng anak ng biktima.



Tinangka ng salarin na habulin ang anak nito ngunit agad itong nakatakbo kasabay ng paghingi ng saklolo sa mga otoridad.

Sa pagresponde ng kapulisan, agad nahuli si Marso matapos ang ginawa nitong krimen kasama ang itak na may habang 12 pulgada na ginamit sa krimen.



Napag-alaman din na 10 taon na ang nakararaan nang makulong sa kaparehong krimen si Marso ngunit napalaya dahil sa parole.

Pansamantala ngayon nakapiit si Marso sa San Fernando City Police Station habang inaalaman ang motibo ng pagpatay sa biktima at inahahanda na ang kasong laban dito.(Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">