Advertisers

Advertisers

Paghahari ng mga Tiangco’s sa Navotas magwawakas na!

0 433

Advertisers

Masasaksihan na ng mga Navoteño ang malaking pagbabago sa politika sa darating na halalan dahil ipinapakita ng mga survey na ang kandidato ng oposisyon na si Raymond “RC” Cruz, ang nangunguna laban kay John Rey Tiangco ng sampung puntos.

Sa isang online na survey na isinagawa ng Camanava News mula Disyembre 30, 2021 hanggang Enero 19, 2022, si Tiangco na kasalukuyang congressman ng lungsod at nakababatang kapatid ni incumbent City Mayor Tobias Reginald Tiangco, umani kay Cruz, dating bise alkalde ng lungsod ng 45 porsiyento hanggang 55 porsiyento.

Anak si Cruz ni Lutgardo, ng isang dating bise alkalde at ngayon tumatako para sa nag-iisang distrito ng kongreso ng lungsod na katunggali ni Tobias, na mayroong 21,000 respondents na nag-click sa like icon habang 17,000 respondents ang pinili ang tumatawa na emoji na kumakatawan sa nakababatang Tiangco.



Ang survey ng Camanava News ang pangalawa ng nagpahayag nangunguna si Cruz sa Navotas at nagpapakita na malapit ng matapos ang mahigit 20 taon pamumuno ng mga Tiangco sa naturang lungsod. Ang RPMDI, sa isang survey na isinagawa mula Oktubre 17 – 26 noong nakaraang taon, nagpakita na si RC nangunguna laban kay John Rey na nakakuha ng pag-apruba ng 75 porsiyento ng mga respondenst kumpara sa 13 porsiyento ng huli.

Naghari ang mga Tiangco’s sa Navotas simula 2000 nang mahalalan na alkalde si Tobias Reginald na noong Munisipalidad ito ng Navotas.



Ayon sa mga residente ng lungsod, maaaring naghahanap na ang mga tao ng pagbabago sa pamumuno matapos ang matinding batikos kay Tobias Reginald dahil sa maling paghawak sa Covid-19 pandemic. Bukod sa mga ulat na hindi ito nagpakita sa Navotas city Hall sa buong panahon na naka-lockdown ang lungsod.

Pinangalanan din ang nakatatandang Tiangco bilang isa sa mga respondent sa kasong isinampa ng grupo ng mga mangangalakal ng isda sa Navotas kasama ang mga opisyal ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod dahil sa umano’y pagtanggi na ilabas ang kanilang frozen fish products sa kabila ng hindi mabilang na verbal demands.



Maliban sa pagkakasangkot nila sa pulitika, nasa industriya rin ng pangingisda ang mga Tiangco.

Sa ibang lugar sa karera ng mayoralty ng Camanava area, ipinakita sa online survey na si Caloocan Congressman Egay Erice nangunguna laban kay Along Malapitan, na nakakuha ng 68 porsiyento ng respondent’s approval sa 32 porsiyento ng huli.

Sa Malabon, nakakuha ng 77 porsiyentro ang mayoralty candidate Enzo Oreta sa 23 percent ni Jeannie Sandoval; habang sa Valenzuela si Wes Gatchalian na may 61 percent kumpara sa kanyang kalaban na si Bombit Bernardo na nakakuha ng 39 percent.