Advertisers

Advertisers

Bank account ng ilang guro nadale ng hacker

0 221

Advertisers

Inireklamo ng grupong Teacher’s Dignity Coalition (TDC) nitong Lunes na may ilang guro na nawalan ng aabot sa mahigit P100,000 nang ma-hack ang kanilang mga Landbank account.

Ayon sa ulat ng TDC, nawala ang kwarta nang ma-transfer mula sa kanilang mga Landbank account papunta sa ibang mga banko o electronic wallet.

Ang halagang nawala sa ilang mga guro mula P26,000 hanggang P121, 000.



“Nagtitiwala kami sa Landbank na secured ang bawat account ng mga guro at empleyado, kahit pa sa online banking system nila, pero bakit may mga ganitong pangyayari?” ani TDC chair Benjo Basas.

Aniya, ipinaalam na nila sa Department of Education (DepEd) ang naturang pangyayari.



“Hindi po ito biro kasi malaking halaga na para sa aming mga guro ang isang buwang sahod o ang aming bonus, lalong masakit kung ang pinag-ipunan mong pera nang matagal ay mawawala nang ganun na lang,” dagdag pa niya.

Naniniwala rin si Basas na dapat managot ang Landbank dahil sa naturang insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">