Advertisers
Cagayan – Puntirya umano ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang 10 pulitiko sa Cagayan na kotongan kaugnayan sa nalalapit na halalan sa Mayo 2022.
Ang mga nakalap na impormasyon na ito ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ipinagbigay alam din nila sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapigilan ang hakbang ng mga rebelde kaugnay sa nalalapit na halalan.
Posibleng kikilos ang mga rebelde upang makapagbigay ng ‘Permit to Campaign at Permit to Win’ sa mga pulitiko, ngunit mapipigilan ito sa pakikipagtulungan ng mga residente na isumbong sa mga otoridad ang nakikitang pagkilos ng mga ito.
(Rey Velasco)