Advertisers
DUMAGSA ang masa sa ginawang pagsuyod ni Manila mayoralty aspirant Atty. Alex Lopez, kasama ang kanyang bise alkalde na si Raymond Bagatsing at kandidatong Konsehal na si Nash de Leon sa mga liblib na lugar sa District 1 ng Tondo, Manila nitong Pebrero 5, ng hapon.
Sinalubong sina Atty. Lopez ng umaatikabong palakpakan at nakabibinging sigawan ng kanyang mga tagasuporta na naniniwalang mula sa isang tunay na “Anak ng Tundo” ang karapat-dapat maluklok sa pwesto bilang alkalde ng Maynila.
Hindi nakaramdan ng anumang pagod si Atty. Lopez sa paglilibot para makadaupang-palad ang mga Manilenyo.
Sinimulan nitong umikot sa pamamagitan ng paglalakad lamang mula Moriones at umabot ito hanggang Herbosa.
At nadama ni Lopez ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mga taga Tondo na isang palatandaang gusto na ng tunay na pagbabago.
Iyan naman ang isinisigaw ni Atty. Lopez, na malapit ng maramdaman ng mga Manilenyo ang tunay na pagbabago at makakamit na nila ito kung sakaling maluluklok na bagong alkalde ng Maynila si Alex Lopez.
Dinalaw din ni Lopez ang ilang mga Barangay sa Maynila nitong Sabado partikular na ang brgy. 123, 110, 112, 118, at 120.
Nagpapasalamat si Atty. Lopez na mayroon ng nagpahayag sa kanya ng pagsuporta.
Maging ang mga vendor sa Pacheco Market nangako ng suporta kay Lopez dahil nga prayoridad ni Atorni na maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapautang ng puhunan.