Advertisers

Advertisers

2 pulis sugatan sa tinanim na landmine ng NPA

0 430

Advertisers

Sugatan ang dalawang pulis at isang menor de edad sa Binalbagan, Negros Occidental sa naganap na engkwentro laban sa hinihinalang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Bi-ao noong Linggo ng umaga.

Base sa ulat na sumabog ang umano’y tinanim na landmine ng NPA.

Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga sugatang pulis na sina Lt. Charles Richard Casalan, ang deputy chief of police ng istasyon; at si Cpl. Julius Tranquillero, na nagtamo ng minor injuries sa pagsabog at ginagamot sa town infirmary; habang nadamay ang 15-anyos na batang lalaki, na tinamaan ng ligaw na bala.



Sinabi ni Maj. Ellendie Rebusquillo, hepe ng Binalbagan Municipal Police Station, na 10 sa kanyang mga tauhan ang sakay ng patrol vehicle papuntang Sitio Nursery, na humingi ng tulong nang matagpuan ng mga residente ang isang patay na lalaki sa lugar.

Sinabi ni Rebusquillo, 8:15 ng umaga habang binabagtas ang Sitio Candida 2, bigla na lang pinaputukan ang mga pulis, sa pagganti ng putok dito na naganap ang pagsabog.



Sinabi ni Brig. Tinuligsa ni Gen. Flynn Dongbo, direktor ng Police Regional Office-Western Visayas (PRO-6), na ang paggamit ng mga anti-personnel land mine isang “traydor na gawain” ng CPP-NPA,

Aniya, ilang komunistang terorista ang nakitang nakikipagbakbakan sa mga pulis at umatras sila sa iba’t ibang direksyon matapos ang putukan.



Aniya pa, tinutugis na ngayon ng mga tauhan ng pulisya ang mga salarin.