Advertisers

Advertisers

Celpone tech nagbenta ng nakaw na gadget sa SocMed

0 298

Advertisers

Arestado ang isang cellphone technician dahil sa pagbebenta ng nakaw na gadget gamit ang social media sa Camarines Norte.

Sa ulat, 7:00 ng gabi noong Miyerkules, Pebrero 23, 2022 nagkasa ng entrapment operation sa bayan ng Daet ang mga operatiba ng Basud Municipal Police Station.

Nagresulta ito sa pagkakaresto sa suspek na nakilalang si alyas Arnel, 35, may asawa, at nakatira sa Purok 2, Barangay Matnog, Basud, Camarines Norte.



Ayon sa report ng Basud MPS, nagpaabot ng sumbong ang mga biktimang sina alyas “Orly” at “Jhon” hinggil sa nawawala nilang Samsung Tab A6 noong Pebrero 20, 2022 alas-9:00 ng gabi habang nasa loob sila ng Jesus is Lord Church na matatagpuan sa Purok 4, Brgy. Matnog.

Matapos ang insidente nakita na nilang naka-post na ang nasabing nawawalang gamit sa social media at ibinebenta na ito.



Dahil dito agad na nagkasa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Basud PNP at narekober sa suspek ang nawawalang gadget.

Mahaharap ang suspek na si alyas Arnel sa kasong paglabag sa PD 1612 o Anti Fencing Law na nasa kustodiya ngayon ng Basud MPS.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">