Advertisers

Advertisers

‘Pacquiao 2022’ isinusulong na; at nanggugulo nalang ang PECO sa Iloilo

0 278

Advertisers

ANG aking kaibigang batikang abogado na si Rogelio Dones Evasco, mas kilala sa tawag na “Atty Waray”, ay nag-post sa facebook ng mga larawan ng kanilang grupo na nagpupulong sa isang restaurant sa Aberdeen Court sa Quezon City, tila isinusulong nila si Senador Manny Pacquiao para sa 2022.

Bagama’t walang direktang sinasabing isinusulong nila ang kandidatura ni Pacquiao para sa 2022 presidential election, nakasuot naman ang mga ito ng white t-shirt na may naka-print sa harap na “PACQUIAO MOVEMENT”. Ang malaking tarpaulin na nakalagay sa likod presidential table ay may nakalagay na “JURY DELIVERATION: JUROR AWARENESS”. Nakalagay dito ang mga pangalan nina PACC Commissioner Greco Belgica, Gen. Rodrigo David at iba pa na tila sila ang nagsusulong.

Ganitong ganito rin nang umpisahan ang pagtakbo ni noo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte noong 2016.



Say nyo, mga pare’t mare?

***



WALANG HABOL at nanggugulo nalang ang Panay Electric Company (PECO) sa kasalukuyang nagpapatakbo ng electricity sa Iloilo City na More Electric and Power Corp (More Power).

Sabi ni House Deputy Speaker Johnny Pimentel Jr. ng Surigao del Norte, walang basehan ang mga alegasyon ng lead counsel ng PECO na si Atty. Estrella Elamparo na ang judicial ruling ng Korte Suprema na papabor sa More Power ay magbibigay ng lehitimasyon sa hostile takeovers ng mga kumpanya at prangkisa mula sa mga interisadong kumpanya nang hindi kinakailangang magpakita ng kakayahan, expertise o industy history.



Aniya, hindi basta inalis ang serbisyo ng PECO bilang power supplier sa Iloilo para lang paboran ang isang bagong kumpanya. Inalis ang PECO dahil inayawan mismo ng consumers ang kanilang serbisyo. “The opinion of PECO is self seving because they still want to operate the electric utility but the truth of the matter is that it is the consumers who have been clamoring for another utility company because for several decades PECO has a very poor service and they have several pending cases because of complaints from the customers”, paliwanag ni Pimentel.

Sabi pa ni Pimentel, nakita nila ang mga reklamo laban sa PECO. At ito ang naging basehan nila sa Kamara para tanggalan ito ng legislative franchise.

Paliwanag ni Pimentel: Hindi magiging masama sa pagnenegosyo sa bansa kung aalisin ang mga kumpanya na hindi naman maganda ang serbisyong ibinibigay. Mismo!

Umaasa si Pimentel na rerespetuhin at kikilalanin ng Korte Suprema ang naging desisyon ng Kongreso na ibigay ang legislative franchise sa kung sino ang karapat dapat bilang syang hurisdiksyon nito.

Sakali man na maging baliktad ang desisyon ng Korte Suprema, pumabor sa PECO, hindi rin ito masasabing tagumpay para sa kumpanya dahil hindi rin sila makakapag-operate. Wala nga itong franchise. Ang may franchise ay ang More Power. “The House of Representatives already denied the franchise including their request for reconsideration so even if they win the case how can they operate if they do not have a franchise however the franchise of More Power was approved”, giit ng mambabatas.

Nang bawian ng prangkisa ang PECO, nagpasaklolo ito sa Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 29. Nakakuha naman ito ng paporableng desisyon, tinuring na “unconstitutional” ni Judge Monique Ignacio ang Sec. 10 at Sec 7 ng Republic Act 11212 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay ng prangkisa at eminent domain sa More Power. Pero pinigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng kautusan ni Judge Ignacio at nagpalabas ito ng Temporary Restraining Order (TRO) pabor sa More Power.

Inapela ng PECO sa Korte Superma ang naging kautusan nito at hinihiling na bawiin ang ipinalabas na TRO. Ang mosyon na ito ng PECO ang nakatakdang desisyunan ng Korte Suprema.

Abangan!