Advertisers

Advertisers

P8M marijuana nasamsam sa NAIA warehouse

0 229

Advertisers

MULI na namang nakasamsam ang Bureau of Customs ng tinatayang 533 grams ng Kush marijuana nang madiskubre ito mula sa idineklarang mga damit sa Central Mail Exchange Center (CMEX) warehouse ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Carmelita ‘Mimel’ Talusan, ang naturang illegal drugs na galing sa Estados Unidos ay nadiskubre sa pakikipagtulungan narin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG)
Nasabat ang parcel na naglalaman ng 533 grams kush or high-grade marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa street value na P852,000. Ito ay dumaan sa physical examination at nabuking ang droga sa 5 pirasong damit na nagmula pa sa Amerika. Nakapangalan ang kargamento kay ‘ Aura Talob ‘ ng Davao City.
Ang nasamsam na droga ay isinalin sa pangangalaga ng PDEA. (Jojo Sadiwa)