Advertisers
SINUSUBAYBAYAN ni Edu Manzano ang mga ganap sa kampanyahan ng mga kandidato sa eleksyon sa Mayo.
Matapos magkomento si Edu sa Twitter hinggil sa presidential debate ng CNN, ngayon naman ay okey na ang pagsang-ayon niya sa paniniwala ni Presidential bet Ping Lacson kontra sa pagbibigay ng “kodigo” o advance questions sa mga sumasamang kandidato sa debate.
“Tama!” with exclamation point talaga ang komento ni Edu sa isang nag-post ng “quote card” sa posisyon ni Ping kontra sa kodigo debate.
Sey ni Ping, “Ayaw ko! Isang malutong at may bagsak na ayaw ko! Para kang nagbigay ng leakage. Parang lokohan lang. Dapat nag-aral sila at walang advanced questions.”
Tama raw kasi na kaya may debate ay para malaman ang preparasyon ng mga kandidato sa pagharap sa mga isyu at mga plano nila kung manalo.
Kung hindi anya nila alam ang sagot o walang maisagot, ibig sabihin eh hindi raw sila handa o wala talaga silang nakahandang plataporma at puro porma lang.
Sa nakaraang debate nga ng CNN, napansin ni Edu na sina Lacson at Leni Robredo ang pinakanakapagbigay ng konkretong programa para namuno sa bansa.
“Why aren’t we talking about Ping Lacson and Leni Robredo? They had the concrete programs and priorities last night. BBM wasn’t even here!” post ni Edu.
Kaya anya mahilig din sa politics si Edu ay dahil dati siyang politician, at naging senatorial at vice presidential candidate noon. (BKC)