Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA vlog ng asawang si Luis Manzano, ibinahagi ni Jessy Mendiola ang mga natutunan niya sa pagsasama nila ng mister.
Ani Jessy, marami raw siyang napulot na diskarte kay Luis pagdating sa pagnenegosyo at paghawak ng kanilang finances.
Na-realize rin daw niya kung ano ang talagang nagma-matter in life lalo na noong panahon ng pandemya.
Thankful din siya kay Luis dahil sa suporta nito sa lahat ng kanyang endeavors.
Iyon daw pagpapaseksi niya sa kanyang pictorials at photo shoots ay may blessings ng kanyang mister.
Minsan, ito pa nga raw ang nag-e-encourage sa kanya na tanggapin ang sexy photoshoots na ino-offer sa kanya.
Paglilinaw niya, hindi raw naman siya dinidiktahan ng esposo at naiintindihan nito ang demands ng kanyang trabaho sa showbusiness.
Sa tanong naman kay Jessy, kung ano ang maituturing niyang best marriage advice na kanyang narinig.
Ayon sa actress turned vlogger, ang hindi raw niya makakalimutan ay ang payo ng kanyang mother in law na si Vilma Santos.
Aniya, mismong ang Star for all Seasons pa ang nagpayo sa kanya na magpakatatag dahil marami pa silang pagsubok na susuungin sa kanilang married life.
Dagdag pa niya, payo raw nito na habaan pa ang pisi sa kanyang mister dahil marami pa silang pagdadaanan at madidiskubre sa isa’t isa.
Sey pa niya, bilang isang asawa na may magandang marriage life, talagang nakikinig raw naman siya at naniniwala sa kanilang “Momski” lalo pa’t parang ina na niya ito dahil bihira niyang makapiling ang kanyang mom na naka-base sa ibang bansa.
Paliwanag pa ng aktres, for a union or a marriage to work, dapat ding hayaan ang sarili na magkaroon ng individuality at hindi dapat naka-depende o umiinog lang ang buhay ng mag-asawa sa isa’t isa.