Advertisers

Advertisers

KD nagtapat, ayaw nang pakawalan si Alexa

0 500

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang panayam kay KD Estrada kung paano nabuo ang friendship nila ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad.
Pagbabalik-tanaw niya, noong una raw ay Ate ang tawag niya kay Alexa.
Si Alexa rin daw ang nag-console sa kanya noong panahong binasted siya ng co-housemate na si Anji Salvation.
Naging malapit din daw sila dahil pareho silang may pinagdadaanang mental health issues noon.
Doon na raw nagsimula na tawagin niyang “sweetie” o “baby” ang Kapamilya actress.
Nakita rin daw niya na hindi lang kapatid ang turing sa kanya ni Alexa.
“When we got evicted. Sabay kami na-evict. Looking back, parang I just realized na Alexa was the only one who did not nominate me. She was always there for me, never backstabbed me, never talked behind my back and stuff,” kuwento niya.
“She always cared even if she was tired. She never was tired for me. I just realized that this woman is just amazing. She’s the best and she deserves the best,” dugtong niya.
Mas malalim na rin daw ang friendship nila ni Alexa kesa dati.
“I just wanted to make her happy din. Pero at least she felt the same way. She doesn’t see me as a brother,” paliwanag niya.
Hindi rin daw isyu kung mas matanda sa kanya ng dalawang taon si Alexa.
Pagkatapos nilang ma-evict, nabuo ang tambalang KDLex.
Bilang kaibigan, ayaw na raw niyang pakawalan si Alexa dahil bihira raw ang mga totoong kaibigan sa showbiz na kapareho niya ng wavelength.
After their successful “KDLex: The Fancon”, all systems go na rin sa bagong loveteam dahil nakatakda na rin nilang simulan ang seryeng “Run To You.””