Advertisers

Advertisers

Nadine tutol sa pagpapatayo ng tulay sa Siargao; Melai tinawag na bobo sa pagpili kay Leni na presidente

0 280

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IKINABAHALA ni Nadine Lustre ang pagtatayo ng DPWH ng tulay sa  tinutuluyan nito sa Siargao.

Pinalagan ni Nadine ang plano na paglalagay ng bridge sa nasabing Isla.



Mawawala raw ang natural na ganda ng nasabing isla kung itutuloy ang paglalagay ng tulay.

Sa Siargao na kasi namamalagi si Nadine kaya kung lalagyan ng tulay, mawawala na raw ang magandang tanawin.

Samantala, pumalag din si Melai Cantiveros sa mga basher na nag-aakusa sa kanya na kaya raw si VP Leni Robredo ang iboboto nito na naka-post sa kanyang socmed ay para sa franchise ng network.

Pero salag ni Melai na para raw ito sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Pero may satsat ang basher na di naman para sa bayan ang boto ni Melai kundi para mabuksan ang ABS-CBN.



Magising na nga raw ito at huwag maging bobo ayon pa sa basher.

Niresbakan naman ni Melai ang basher na ito ang bobo at tulog kaya nga naawa siya sa mga basher na maka-BBM. Matulog daw muna sila at baka paggising ay may bagong pag-asa na ang bansa.

May sabat pa na taga-Mindanao pa naman daw si Melai, bakit nag-Leni siya? Sagot nito, ‘di lahat ng taga-Mindanao ay pareho nila ng iboboto

Sa kabila ng magkaibang iboboto sina Karla Estrada at Melai ay magkaibigan pa rin sila.

***

CHELS Wellness Int. Corp. at M&M Film Productions nagsanib para sa film na TANGING HILING

NAKI-tie up si Margie Balote at ang kanilang M&M Film Productions ni Maricar Aragon na kanyang unica hija sa Chels Wellness International Corp. or CWIC ni Dra. Chelsea M. Tomaquin.

Nabuo nga sa pagpapasiya nina Chels at M&M Film Productions na gumawa ng pelikula.

Isang true to life story ang plano na ihatid ng nasabing film outfit nina Margie at Maricar.

Bibida for sure si Maricar sa nasabing pelikula na very inspiring at kapupulutan ng aral na plano ng M&M Film Productions.

TANGING HILING ang magiging titulo ng pagbibidahan ni Maricar sa kabila ng tutok sa kanyang pag-aaral ang dalaga ay naisingit pa nito na makipagtunggali sa Tawag Ng Tanghalan.

Kung ang Ang Probinsiyano ni Coco Martin ay napakatagal na serye, ang Tanging Hiling naman ay magiging mala-‘Mano Po’ ang peg na mula sa part 1 to part 4 or more.

Si Dra. Chels ay doktora rin ang magiging role sa film ng M&M Film Prod.

Asahan na nga raw na magiging sponsors ang CWIC ni Dra. Chels tulad ng Tuna Sisig, Embutido, Sausage, Seafood Tuna at Nuggets.

Abangan din si Apple Faith Borreta sa film, say mo Mommy Meriam?

Well, well, well…’Yun na!