Advertisers

Advertisers

James at Nancy ng Momoland, magdyowa na; Sunshine dumepensa sa akusang buntis ang anak

0 475

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY nakakitang magkasama umano sina James Reid at ang partner niya sana sa teleseryeng The Soulmate, ang member ng Momoland K-pop girls na si Nancy McDonnie.
Viral ang mga kuhang photos ng dalawang personality sa LA. Very sweet ang dalawa sa ilang clips ng video na naka-upload na nasa isang resto at kumakain kasama ang ilang kaibigan nila.
Magkatabi sina James at Nancy na may pagkakataong humihilig pa umano si Nancy sa balikat ni James.
Espekulasyon ng mga netizen, mukhang may something na raw sa dalawa
Matatandaang naudlot ang pagtatambal nina James at Nancy sa teleseryeng The Soulmate.
Pero hindi raw yun naging dahilan para maputol ang kanilang connection.
Dinelete na umano ng uploader ang nasabing video. May haka-haka tuloy na baka matuloy na ang naiwan nilang proyekto under ABS-CBN o may relasyon na sila.
“May ilang comments din tulad ng, “Ang dami nating nakangiti ngayon at kinikilig”, “I feel talaga na may something si James at Nancy.”
“Happy to see them hangout together with friends”, “sa mga di nakaka alam pwede na po yung momoland members mag date noon pa, leader nila ilang years na ngang may bf ei.”
Kung totoo ngang may something na between James and Nancy, wala namang masama dahil James is still single mula nang maghiwalay sila ni Nadine Lustre.
***
NATSITSISMIS ngayon na buntis ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.
Agad namang to the rescue si Sunshine para ipagtanggol ang anak.
May pinost na larawan si Sunshine na kasama ang dalawang anak na nasa gitna ang aktres.
May nagkomento sa kanilang larawan.
“Sorry… buntis po ba? (Referring sa isang junakis na nasa picture)”
Sagot ni Sunshine, “nope!” May isa pang nagkomento: “May apo na cy soon pero still hot mm si Sunshine”
“Naku maritess stop na po. Wag mag akusa fake news po yan,” sagot uli ng aktres.
“Minamadali nyo naman ako maging lola. I hope this answers your question.i deleted some comments dahil dumarami na sila. Eto ang isa sa nagiging rason kung kaya maraming tao o kabataan ang sobra kung mag edit ng kanilang mga katawan at mukha sa social media. Let’s be more sensitive towards other people Magandang gabi.
Dahil kasi sa damit na suot ng nasa right side na anak ni Sunshine ay in-assume ng netizen na buntis ang anak.
Sabi nga ng netizen: “Magpopost ba yan kung buntis yan? =D Kaloka ang ibang Marites!”
“may jowa ba yung sinasabihan ng buntis? baka naman dahil sa dress o sa posture kaya naenhace yung tummy area kaya napagkamalang juntis?”
***
KC BALIK-PINAS, BONDING AGAD SA HALF SIBLINGS
NAKABALIK na ng ‘Pinas si KC Concepcion.
Sa pagbabalik ni KC na ilang buwan ding nanirahan sa Tate para ipagpatuloy ang pag-aaral ay agad siyang nakipag-bonding sa kanyang half-siblings sa amang si Gabby Concepcion.
Sa Instagram account, pinost niya ang mga cute photos nila ng mga kapatid na nasa Greenbelt, Makati.
“Family time well-spent brings a life of contentment!”
Caption ni KC sa kanilang mga kuhang larawan.
May mga nagtatanong naman na mga netizens na nandito na raw si KC sasamahan daw ba niya ang kanyang second Dad na si Senator Kiko Pangilinan sa campaign rally nito sa susunod na mga araw?