Advertisers

Advertisers

Nadine babu na sa karne, nasanay na sa isda at gulay; Sharon at Toni ‘di dapat pagkumparahin

0 430

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA una akala ni Nadine Lustre ay hindi nito kakayanin ang kinakahiligan nitong diet ngayon.
Malaki ang impluwensiya ng lugar na tinutuluyan ni Nadine, ang Isla ng Siargao.
Ilang buwan na nga rin naka-stay si Nadine sa nasabing Isla. Kaya naman tila nasanay ito sa pescatarian diet.
Nung unang linggo na sinubukan ni Nadine ang pescatarian diet eh umamin ito na tila hindi niya kakayanin.
Ilang linggo rin kasi na puro isda at iba pang seafood na galing sa dagat ang kinakain ni Nadine na tawag nga ay pescatarian plus vegetables.
‘Yun at ‘yun nga lang ang kinakain nito hanggang masanay na.
At never na nga raw ito naghahanap ng karne partikular na steak na siyang paborito ng singer-actress dati.
Kaya sa pag-amin nito ay baka mahirapan siya kung nasa Manila na at maghanap ulit ng karne.
Buti na nga lang daw at dun nakabase ang bf sa Siargao na si Christoppe Barriu.
Mayaman ang lugar sa pagkaing dagat.
***
MALABO naman na maging magkapareha sina Sharon Cuneta at Toni Gonzaga.
Ang layu-layo raw para ipantapat si Toni kay Megastar.
Sa tagal na nga raw sa showbiz ni Sharon ay nakaukit na ito ng showbiz kaya naman pumalag ang ilang KakamPinks na nagkukumpara kay Sharon kay Toni.
Kahit nga raw sa level ng hosting, pag arte at pagkanta ay napakalayo ng agwat ni Sharon kay Toni.
Sa mga rally ng kanilang mga manok ay present ang dalawa at obvious naman na okey lang si Sharon na nandoon sa campaign rally ng team Leni at Kiko dahil everybody knows na mister niya ang VP aspirant na ama nina Frankie at Miel, si Kiko.
Pambuwisit pa ng basher na pareho naman daw silang may titulo, kung si Sharon ay matagal nang bitbit ang bansag sa kanyang Megastar eh si Toni rin naman ay may pagka Mega din ang peg kapag nagpe-perform.
Binansagan ng basher na Mega rin naman daw si Toni as in Megaphone.
Dyok yun, He! He! Well, well, well…’Yun na!