Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BALIK teleserye si Kylie Padilla at siya ang title role sa “Bolero” na makakasama niya sina Rayver Cruz at Jak Roberto.
Tila balik-sigla na rin ang takbo ng buhay ni Kylie pagkatapos ng kontrobersiya sa dating asawa na si Aljur Abrenica, as in normal na ulit ang kanyang gawi, no more lonely nights sa piling ng kanyang 2 anak.
Maging sa socmed ay aktibo na rin si Kylie at game na matanong kahit personal na bagay at may kinalaman kay Aljur. Tulad na lang ng isang netizen na nagtanong kung mahal pa ba niya si Aljur.
“Mahal mo pa”
Sinagot naman ito ni Kylie:
“Baka pweding ako naman muna. Lol.”
Dahil na rin sa tugon na ito ni Kylie ay nasundot pa ng ilang katanungan ang Kapuso actress hinggil pa rin sa feelings niya sa dating mister.
“At what point do you realize you no longer have the same feelings with your ex? You may answer on not,” follow-up na tanong ng isa pang netizen.
“When you have real closure. A real open and honest conversation about what happened. And through you’ll find acceptance. I don’t believe you ever stop loving someone you loved before. But you understand that it is now the past and hopefully it becomes gratitude and something pleasant to remember,” tugon pa rin ni Kylie.
***
KUNG dati wala pa ang sikat na RitKen loveteam o Rita Daniela at Ken Chan tandem ay madalas na kontrabida ang role ni Rita. May mangilan-ngilan lang na project na one of the bidas siya.
Pero nang pumatok ang RitKen tandem ay halos lahat lead role ang kanyang ginagampanan, teleserye man o movie. Ngayon na napipintong paghiwalayin na muna sina Rita at Ken na sa kasalukuyan ay may kanya-kanya nang proyektong ginagawa, si Rita para sa movie na “Madawag ang Landas Patungong Pag-asa” samantalang si Ken naman ay bising-bisi sa teleserye nila ni Bianca Umali na “Mano Po: Her Big Boss”.
Tsika ng ilan, ngayong kanya-kanya na muna sina Ken at Rita, may chance kaya na muling gumanap ang singer/aktress na isang kontrabida uli?
“Ay, opo naman. I’m an actress, so okay lang sa’kin na magkontrabida uli, lalo na kung bonggang-bongga yung bidang kakawain ko, let’s do this,” say ni Rita.
May tampo ba naman kaya si Rita sa ginawang paghihiwalay ng loveteam nila ni Ken?
“Akala nung iba, nagtatampo ako but, the truth is I’m very happy for him. Bago pa man kami nag-click sa ‘My Special Tatay’, dati na naman siyang ipinapareha sa iba. And sinabi naman yun ng GMA management sa amin, don’t expect na kami na lang lagi ang magkasama, kasi we have to grow as actors with separate careers,” dagdag na say pa ni Rita.