Advertisers
ANG defending champion Ateneo de Manila University pa rin ang tinuturing na team to beat sa season, ayon sa UAAP head coaches bago ang opening ngayong Sabado.
Sa pressconference nakaraang Miyerkules, binanggit ng mga head coaches, Nash Racela (Adamson University), Derrick Pumaren (DLSU), Olsen Racela (FEU), Jeff Napa (NU), Jack Santiago (UE), at Goldwin Monteverde (UP) na ang Katipunan-based squad ang isa sa kanilang teams to beat.
Binanggit din ang UP Fighting Maroons,ang DLSU Green Archers, at ang FEU Tamaraws sa kanilang listahan.
Sa kabila ng pinagkasunduan, sinabi ni Ateneo head coach Tab Baldwin na marami pa ring hindi batid sa parating na season.
“I wish I could feel more comfortable going into the season about how the team would play but I think we’ve got to get out there and experience our opponents and everybody will have their own level of readiness at the beginning of the season,” Wika ni Baldwin.
Susubukan ng blue -and-white na dagdagan ang kanilang fourth straight- title na pamumunuan ng national team players Ange Kouname,SJ Belangel, Dave Ildefonso, at Geo Chiu. Veterans Gian Mamuyac, Tyler Tio, at Raffy Verano ay babalik rin para sa season.
Ang UAAP ay nakatakdang magbukas ngayon Sabado sa Mall of Asia Arena.