Advertisers

Advertisers

McLisse natagpuan ang ‘forever’ sa isa’t isa

0 154

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PARA sa tandem na McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson, naniniwala silang itinadhana sila sa isa’t isa.
Katunayan, noong nagkahiwalay sila, feeling nila gumawa ng paraan ang tadhana para magkasama silang muli.
Sey pa ng dalawa, natagpuan na nila ang kanilang “forever”sa isa’t isa.
Ayon pa kay McCoy, hindi raw naman siya pumapasok sa relasyon kung hindi ito ‘for keeps’. pangmatagalan.
Paliwanag naman ni Elisse, nasa punto na raw siya ng kanyang buhay na gusto na talaga niyang magkaroon ng sariling pamilya.
Hirit pa nila, marami raw silang natutunan bilang couple sa isa’t isa.
Bagama’t kilala na raw nila ang isa’t isa, mas lumalim daw ang kanilang samahan the second time around after nilang magkahiwalay noon.
Katunayan, dahil kabisado na nila ang isa’t isa, nakakapag-adjust na sila sa ugali ng bawa’t isa.
Mula rin daw nang magkaanak sila at dumating sa buhay nila si Feliz, nabago rin daw ang lifestyle nila.
Pagbabahagi ni Elisse, iginive-up daw ni MCoy ang kanyang lifestyle bilang bachelor.
Tulad niya, bawas na rin daw ang oras nito sa kanyang friends at mas pinipili pa nitong maka-bonding at mag-stay sa bahay kasama ang kanilang anghel na si Feliz.
Sa ngayon daw, mas prayoridad nila ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang bunso lalo na’t hindi raw naman ‘forever’ ang pag-aartista.
Sina McCoy at Elisse ay reunited sa pelikulang “Habang Buhay” tungkol sa kuwento ni JR, isang houseboy na nahulog ang loob kay Bea (Elisse), isang babaeng may sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID).
Kahit mababa ang proteksyon o immune system, nanatiling positibo ang pananaw ni Bea. Nag-e-enjoy siya sa sariling mundo na puno ng musika, pangarap at imahinasyon. Live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao.
Dahil kay JR, nabago ang pananaw niya sa buhay.
Dahil sa interes din sa musika, naging malapit sila sa isa’t isa hanggang tuluyan silang ma-in love.
Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”. Pero bigla na lang tila lumalayo si JR. Paano na ang pangako nito na magtatayo sila ng sariling pamilya at magsasama habangbuhay?
Ang “Habangbuhay” ay mula sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Real Florido. Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa Canada International Film Festival para sa pelikulang “1st Ko Si 3rd”. Nakatanggap din ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival.
Ang “Habang Buhay” na balik-tambalan ng Mclisse pagkatapos ng matagumpay na romantic drama na “Sakaling Maging Tayo,” ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Abril 22.