Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MULING nagbabalik sa Kapuso network ang sexy comedian na si Rufa Mae Quinto.
Si Rufa Mae ay nagbalik sa GMA Network bilang bagong artista ng Sparkle GMA Artist Center.
Saad niya sa ginanap na internal press interview, na-miss niya ang buhay niya bilang artista. Ito ang nagtulak sa kanya na balikan ang pag-aartista at pumirma ng kontrata sa Sparkle.
“Noong nabuo ang Sparkle, wala naman ako. Nasa US. So nagkataon, sa tingin ko kailangan ko na rin ng mag-aalaga sa akin. Kasi nagwo-world tour din ako sa USA so parang naisip ko, hindi rin madali na ikaw na artista, ikaw pa lahat, taga-alaga, basta parang na-miss ko ang showbiz.”
Dugtong pa ni Rufa Mae, “Na-feel ko lang. Balik nga ako sa Philippines. For some reason gusto kong umuwi. Talagang wala akong dala basta bitbit ko ‘yung anak ko (Athena). Siyempre nagpaalam naman kami.”
Si Rufa Mae ay mapapanood ngayong April 23 at April 30 sa Tadhana at ito ang pagbabalik niya sa pag-arte.
Kuwento ni Rufa Mae, hindi niya inaasahang sasabak siya agad sa aktingan sa GMA at ang pagpirma niya sa Sparkle.
“Hindi ko rin inexpect ‘yung acting, kasi ang quarantine ilang days. So ngayon na lumuwag luwag, kaya naging sakto lahat ng pagbabalik ko. Nagka-management, nagkaroon ng back to GMA, ‘yun ang pinaka-importante, ‘yung dalawang ‘yun. Tapos Sparkle.”
Saad pa niya, nagawa niya na ang iba’t ibang mga karakter sa Kapuso network at excited siya sa mga future projects niya.
“Nag-host ako, nag-sitcom, nag-gag show, lahat na. Naging mermaid, naging Darna, nag-Marinara, nag-Bubble Gang, soap, lahat ginawa ko. So sabi ko, balik na lang ako ulit para ulitin ko ulit. Inulit lang pala,” natatawang kuwento ni Rufa Mae.
Abangan si Rufa Mae sa Tadhana sa darating na April 23 at 30 sa GMA Network.
***
ISA sa mga na-excite ang dating beauty queen na si Alma Concepcion sa pagsabak ng False Positive co-star niyang si Herlene “Hipon Girl” Budol sa Binibining Pilipinas ngayong taon.
Si Alma ay nagwagi bilang Bb. Pilipinas International noong 1994. Matapos ang 25 taon, bumalik siya sa pageantry via Ms. and Mrs. Grand Universe 2019 na naiuwi niya ang titulong Ms. Grand Universe.
Ayon kay Alma, malaki ang advantage ni Herlene sa major beauty pageant dahil sa kanyang height at hubog ng katawan.
“Actually napag-usapan namin ‘yan during the lock-in taping kasi sabi ko sa kanya God-given is the height and then the katawan, talagang God-given ‘yon…Sabi ko sa kanya, ‘yung ganyang height at ganyang katawan, kumbaga ‘yung bone structure n’ya, pang-pageant talaga,” kuwento ni Alma.
“‘Yung bone structure ‘yung importante sa mga sasali ng beauty pageant e kasi ‘yung ibang bagay madali na lang i-enhance like speech, walking, projection. ‘Yung mga bagay na ‘yon naaral na ‘yon e.
“But if you’re given a gift na physically na gano’n s’ya katangkad at gan’on kaganda ang katawan, everything madali na ‘yong iba,” bahagi ni Alma sa panayam ng GMANetwork.com sa media conference ng False Positive noong April 13.
Aminado si Herlene na hindi siya kagalingang magsalita ng Ingles na lenggwahe na karaniwang ginagamit sa Q & A portion ng beauty pageant kaya sinabi niyang aaralin niya ito, base sa mga nauna niyang mga panayam.
Pero pag-amin niya sa Instagram post noong April 11, wikang Filipino ang kanyang gagamitin sa kanyang pagsali sa Bb. Pilipinas.
Isang commitment ang pagsali sa mga beauty pageant kaya mensahe ni Alma kay Herlene, dapat aware siya sa mga bagay na dapat niyang pagtuunan ng pansin.
“Lahat naman tayo may insecurities so importante sa mga sasali ng pageants, you have to know kung saan ka weak and then ‘yon na lang ‘yung homework mo kasi you really have to improve everyday especially when there’s a competition coming up,” payo ni Alma.
“Kumbaga ‘yung mga nag-aaral para sa bar, they study. ‘Yung mga nagre-review for board so they have to do their homework,” dagdag niya. “Dati kasi nagte-train ako for free sa mga gustong sumali ng pageant and I always tell them that overpreparation is better than under preparation. Syempre, sasali ka dapat ang goal mo na manalo.”
Ayon pa kay Alma, dapat distinct ang magiging transformation ni Herlene pagkatapos ng kanyang training.
“‘Yan ‘yung mga bagay na ‘di mo na mauulit, well pwede ka ulit sumali, pero itotodo mo na, sabi niya.
***
“TRUE beauty is being good,” says Sanya Lopez.
Kapuso actress Sanya Lopez has proved that she has what it takes to be a modern First Lady in her latest photoshoot.
On Instagram, Sanya, who plays Melody Reyes-Acosta in the top-rating GMA Telebabad series First Lady, shared two photos while wearing a modern Filipiniana with complete accessories.
She wrote in the caption, “True beauty is being good. #FirstLady.”
In the comment section, Sanya’s co-stars in First Lady Kakai Bautista and Thou Reyes could not help themselves but appreciate Sanya’s beauty.
First Lady airs Mondays to Fridays on GMA Telebabad after 24 Oras.