Advertisers

Advertisers

Cindy happy na mapapanuod na ng pamilya ang ginawang project

0 294

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MASAYANG-masaya si Cindy Miranda sa tinatakbo ng kanyang showbiz career ngayon, dahil sa may bago siyang proyekto under Vivamax Original Series, ang seryeng “Iskandalo” na mapapanood sa Vivamax kada araw ng Linggo sa loob ng 10 weeks simula April 10.
Isang suspense drama ang naturang serye at kasama ni Cindy rito ang mga kapwa niya sexy nymphets ng Vivamax tulad nina AJ Raval, Ayanna Misola, Jamila Obispo, at Angela Morena. Kabilang din sina Sean de Guzman, Jay Manalo, Arnold Reyes, Rocky Salumbides, at marami pang iba.
Para kay Cindy, ang seryeng ginagawa ngayon ay stepping stone niya para makita rin ng kanyang mga follower ang iba pang talent na kaya niyang gawin bukod sa paghuhubad.
“After doing several movies, it’s a new adventure for me to do a series naman.
“I always challenge myself to do better than my last role or character and here, I get a very demanding one as Detective Patricia Esguerra, who investigates a murder case and encounters all sorts of trials along the way,” say ni Cindy.
Ang isa pang dahilan kung bakit masaya si Cindy sa kanyang bagong show ay dahil may chance na mapanood na ng kanyang pamilya ang project na ginagawa. Ayon kasi kay Cindy, since day one na gumawa siya ng sexy daring movie ay hindi raw pinapanood ng kanyang pamilya ang kanyang mga pelikula.
“Ang family ko, ayaw nilang panoorin ang love scenes that I do. Wala naman silang sinasabing masama, it’s just that they’re very conservative. It’s my choice naman to do it and they understand it. They’re not really mad. Pero itong ‘Iskandalo’, I will recommend it to them kasi I’m really proud of my work here,” saad pa rin ni Cindy.
At may pakiusap din si Cindy sa kanyang mga bashers na laging nagsasabi na ang kaya lang daw gawin ni Cindy ay magpakita ng flesh, as in kaya siya tinangkilik ng masa lalo na ng mga kalalakihan dahil sa kanyang mga mapangahas na sexy scenes.
“Kasi yun namang haters, they bash you kahit anupang gawin mo. And I’m my own worst critic kasi I take my craft as an actress very seriously.
“In ‘Iskandalo’, I am proud to say na hindi basta hubaran yan, kasi aktingan talaga ang hiningi sa akin diyan. Tuwang-tuwa akong nag-action ako with serious dramatic scenes,” dagdag na say pa ni Cindy.
Pagdating naman sa personal na buhay ni Cindy, sinabi niyang choice niya rin sa ngayon na manatiling loveless. Mas pinili raw ni Cindy na mag-focus sa kanyang showbiz career. May tsika kasi na choosy raw si Cindy pagdating sa manliligaw, feel daw nito ang isang guy na kayang ibigay ang lahat ng kanyang luho, as in yayamaning lalake ang tipilya ni Cindy.
“I want someone na hindi tambay. Yung may sariling magandang career, yung may pangarap sa buhay at driven to succeed.
“I also want someone who knows how to communicate as I believe good communication is very important for any relationship to work well,” tugon ni Cindy.