Advertisers

Advertisers

MAGING READY NA TAYO SA IBIBIGAY NAMING MAAYOS, MASASANDALANG GOBYERNONG MORENO

0 215

Advertisers

KUNG muling mamerwisyo ang pandemyang COVID-19, industriya ng transportasyon at turismo ay matinding tatamaan, at ito ngayon pa lamang ay dapat nang paghandaan.

Ito ang ikinabahala ni Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno nang sabihin ni Doc Willie Ong na may kumakalat na bagong variant ng COVID-19 at aniya, ang laging tinatamaan, mga driver at nagtra-trabaho sa tourism industry.

Kung siya ang manalong pangulo, hindi niya iuutos ang lockdown sa tourism industry dahil lalo itong magpapahirap sa taumbayan, sabi ni Yorme Isko.



“We will welcome tourists but they should follow health protocols like testing, vaccination. Alam na nating kumilos kahit may COVID-19 at, sa awa ng Diyos hindi ako maglo-lockdown,” sabi ni Isko.

Aniya, sapat na ang dalawang taon na karanasang natutuhan sa pandemya.

“… there is a cycle of surge, may paglakas, may paghina. But what matters most is we should prepare,” sabi ni Yorme Isko na ipinaliwanag na sa gobyerno niya, magtatayo siya ng mapagkakatiwalaan at malakas na serbisyo ng komunikasyon at mabilis na koneksiyon sa internet.

Aniya, nakikipag-usap na siya kay Elon Musk para makabitan ng Starlink para magkaroon ng internet coverage ang buong Pilipinas.

Pagkakabit-kabit at pagdudugtong ng mga tulay, highway para sa mabilis na transportasyon sa mga isla ng Panay, Guimaras at -Negros, ipinangako rin ni Yorme Isko kung siya ang maging pangulo.



Pati ang Bohol, Mactan, o ang Lapu-Lapu papuntang Cebu ay ikokonekta niya at magagawa ito sa loob ng apat o limang taon, paliwanag ni Yorme Isko.

“Napagbigyan na natin ang ibang pangulo, ngayong eleksyon, iba naman, samahan nyo kami, maging ready na tayo sa aksyong lubos na solusyon … sa masasandalan nyong gobyernong Moreno,” sabi ng pambatong kandidato ng Aksyon Demokratiko. (BP)