Advertisers

Advertisers

Alvin Patrimonio tumalon sa politics mula sa basketball

0 229

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HANGGA’T maari ay ayaw nang magbigay pa ng pahayag ni Mygz Molino tungkol sa umano’y pang-iisnab o hindi niya pagdalo at ng kanyang manager na si Jethro Carey sa event na in-organize para sa kanya ng kanyang mga fan (MahMygz), na Meet and Greet.
Ayaw niya na kasing palakihin pa ang isyu. Pero para maliwanagan na rin ang ilang MahMygz, nilinaw na rin niya ang tungkol dito.
Ayon sa kanya ay walang katotohanan na hindi niya binigyan ng importansiya ang kanyang mga tagahanga. Misscommunication lang daw ang nangyari. Wala raw silang commitment dito. May nag-commit lang daw para sa kanya.
“Huwag na po nating palawakin ang isyu na ‘yan. Nangyari na po ang hindi dapat mangyari. Unang-una po, taun-taon ko po talagang sini-celebrate ‘yun (Meet and Greet). Pero ‘yun pong Meet and Greet na ‘yun that time ay hindi po para sa akin. Para po ‘yun sa admin at founder (ng kanyang mga tagahanga). Kung para po sa akin yun, pupuntahan ko po.
“Noong mga panahon na yun, may natanguan na po akong commitment. Nasa isang birthday po ako. Kaya hindi po talaga ako makakarating doon,” paliwanag pa niya.
Mahal ni Mygz ang kanyang mga tagahanga kaya malabo raw na isnabin niya ang mga ito.
“Sabi ko nga po, kung wala ang MahMygz world, wala ako sa kinalalagyan ko. So bakit ko iiwasan ang mga ‘yan? Mahal ko po ang MahMygz. Sobra!”
“Ang sinasabi ko na nga lang po sa kanila, tama na po ito (ang tampo at paninira sa kanya ng iba).
O ayan sa ilang MahMygz, sa binigay na paliwanag ni Mygz, sana ay huwag na kayong magtampo sa kanya. Sana ay naiintindihan ninyo na siya. Tigilan ninyo na sana ang paninira sa kanya at sa kanyang manager. Mahal niya kayo!
***
TUMATAKBONG mayor ng Cainta ang PBA Superstar na si Alvin Patrinomio. Sa naganap na presscon para sa kanyang pagpasok sa pulitika, ipinaliwanag niya kung bakit nagdesisyon siya na tumakbong mayor sa nasabing lungsod.
“Gusto ko lang pong mas lalong mapaganda at mapabuti ang aming bayan. Puwede naman po na ang isang basketball player ay maglingkod,” simulang sabi ni Alvin.
“Ipinagdarasal ko po ito. Matagal na po kasi na may nag-i-invite sa akin to run for public office. Kahit noong naglalaro pa lang ako, may nag-i-invite na sa akin na tumakbo. Sabi ko hindi ko pa po time.
“And ngayon po, maganda yung timing po. From basketball arena to political arena naman.
“And ang talagang purpose ko po is to serve sa maraming tao. Kaya naging choice ko na rin po na pumunta sa larangan ng politika.”
Humingi muna ng basbas si Alvin sa kanyang ina bago tuluyang nagdesisyong tumakbo sa mayoralty race.
“Siyempre una, humingi ako ng basbas sa nanay ko. Ang tatay ko kasi, wala na, eh.
“Alam ko hindi nila ako papayagan kasi sabi magulo ang pulitika. Pero yung nanay ko, sabi ko “Ma gusto ko mas maraming matulungan”
“Timing po, pandemic pa. Siguro ito yung binigay na platform para mas marami akong matulungan pa.
“Yung pinayagan na ako ng nanay ko, last minute pumayag na rin siya. Sabi niya,”Huwag kang magbabago, anak. Alam ko, marami kang matutulungan.
“Nagpaalam din ako sa wife ko, sa family ko. And ang wife ko, isa siya sa nag-push sa akin na tumakbo. At yung son-in-law ko, silang dalawa ang nag-push sa akin na tumakbo, na pumunta sa ibang career.
“Mga anak ko, pumayag din. Alam nila na ‘yung lugan namin, ‘yung Cainta, marami pang i-improve na pipilitin ko na mas gumanda pa.
“Mga boss ko rin, nagpaalam ako. Hindi naman sila tumutol. Susuporta rin sili sa journey ko sa politics,” aniya pa.