Advertisers
Ni WALLY PERALTA
MAY mga kinilig sa paandar ng magdyowang Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa kanilang mga tweet.
Lately, sa kanyang twitter, nag-post si Ricci ng papuri sa kanyang dyowa.
Sey niya: “I’m so lucky and blessed to have such a wonder girl! @iamandrea b”
After kasing manalo sa game ang cager, may hanash din ito tungkol sa pagbati sa kanya ng Kapamilya actress.
Ipinakita pa niya ang greetings ni Andea sa kanya na: “Congrats POGI!!! @_riccirivero”
Reply naman ng basketball player : “nag congrats si crush >p”
Bagama’t may mga natutuwa sa kanilang relasyon, marami pa ring nagmamaasim ang bumabatikos sa dalawa.
Katunayan, maraming sawsawera ang tinaningan ang kanilang pagiging magdyowa dahil feeling nila ay mismatched ang showbiz couple.
Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:
“Sa una lang yan Ricci wag kang ano. Hahaha!”
“Akala mo naman magtatagal kayo. Hahaha trail card lang yan boy”
“Kung sakaling dumating yng araw na hnd kayo para sa isa’t isa, sana SethDrea nlang.”
“pwede po ba patanong kay Blythe kung masarap yung mantika??”
“sus, sa una lang yan”
“Basta ang alm ko, SethDrea will conquer the world.”
“I’m not a hater but the reality is magb-break lang kayo. More or less 2to years now.”
“Sa umpisa lang yan lods, next month sawa ka na jan hahahahahha”
“Sorry camera”
“6 months or 1 year.”