Advertisers

Advertisers

Comelec: Vaccination card at negative covid test result ‘di kailangan ipakita sa pagboto sa May 9 election

0 191

Advertisers

NILINAW ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi kailangan magpakita ng vaccination cards at negatibong resulta ng covid test upang makaboto sa May 9 elections.

Ayon kay Commissioner George Garcia, tanging pagsusuot lang ng face mask ang dapat sundin ng mga botante at hindi rin kailangan ng face shield.

Maging ang mga magpopositibo sa Covid-19 ay papayagan pa rin makaboto sa mga designated isolation polling place.



Pinayuhan din ni Garcia ang mga botante na huwag ng mag-ikot sa mga polling places at dumiretso na ng pag-uwi pagkatapos bumoto dahil may banta pa rin ng covid-19.

Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng magkaroon ng panibagong Covid-19 surge pagkatapos ng eleksyon. (Jonah Mallari/Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">