Advertisers
Patay ang apat na tagasuporta ng magkalabang kandidato sa bayan ng Magsingal, Ilocos Sur nang magkainitan nitong Sabado, Mayo 7.
Sa ulat, kinilala ang dalawa sa mga biktima na sina Recto Bacdayan Bagani, residente ng Manabo, Abra; at Lerrypol Torda, ng Barangay Maratudo, Magsingal.
Bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang biktima.
Sa ulat, nag-ugat ang barilan sa pagitan ng magkalabang supporters dahil sa umano’y vote-buying.
Nagtungo ang mga tagasuporta ni mayoral bet Lorry Salvador Jr. sa Magsingal para mahuli ang nagsasagawa umano ng vote-buying sa lugar.
Nakasagupa ng grupo nila ang mga supporter ng isa pang mayoral candidate na si Alrico Facis.
Pero sinabi naman ng isang mayoral candidate na nagkatensiyon nang may bodyguard na nakahulog ng baril saka may dumating na armadong grupo, na nauwi kalaunan sa putukan.
Hindi nagbigay si Favis ng pahayag.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.