Advertisers

Advertisers

Overseas voting nasa 32.37% na; LAV ballots na natanggap ng poll body, nasa 74K na

0 197

Advertisers

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na umabot na sa 32.37% ang mga botong naitala sa ibayong dagat habang nasa halos 74,000 balota para local absentee voting (LAV) naman na ang hawak na ng poll body sa ngayon.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na hanggang alas-10:00 ng umaga nitong Lunes ay nasa 32.37% na ang mga botong naitala nila sa overseas absentee voting (OAV).

Ayon kay Casquejo, inaasahan nilang madaragdagan pa ang naturang mga boto ng hanggang 40% dahil may mga mailed ballot pa ang hindi pa nabilang.



Nagpapatuloy pa rin naman aniya ang in-person voting sa ibayong dagat hanggang nitong Lunes.

Samantala, iniulat na rin naman ng Comelec na umaabot na sa 74,000 ang mga LAV ballots na natatanggap ng Comelec.



Base sa partial report ng poll body hanggang noong Mayo 8, ang bilang ng mga LAV accomplished ballots na natanggap ng Reception and Custody Units ay nasa 73,982 na.

Ang mga naturang balota ay mula sa Philippine Army (24,249), Philippine Air Force (2,775), Philippine Navy (319), Philippine National Police (41,431), DepEd (2,289), BJMP (750), BFP (122), Media (876), Comelec (914), DILG (22), PCG (222), DFA(1), Public Attorney’s Office(2), Culion Hospital (1), at National Power Corporation (9).



Ang mga Special Electoral Boards ang siyang magbibilang ng mga LAV ballots, sa Intramuros, Maynila, ngayong May 9.

Ang OAV ay sinimulan noong Abril 10 at nakatakdang magtapos ngayong Mayo 9 habang ang LAV ay idinaos naman ng Comelec mula Abril 27 hanggang 29.

Tanging mga kandidato lamang naman sa pagka-presidente, bise presidente, senador at party-list group ang maaari nilang iboto. (Andi Garcia)